𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄
- Wattys2018 Shortlist
- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
***
Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang buwan na ang lumipas nang huli kong makita silang tatlo. Simula noong gabing 'yon ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanila. Maging kay Yana ay wala rin akong narinig, lalo na at hindi na rin siya nagpapakita sa akin. O pumupunta at dumadalaw dito sa bahay namin na madalas niyang ginagawa noon. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay alam na rin niya ang nangyari sa aming apat. Siguro nga ay nakakapagod na akong intindihin kaya lahat sila ay umalis, at iniwan akong mag-isa.
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil maging ako ay pagod na ring intindihin ang sarili ko. Minsan nga ay gusto ko na lang sumuko. Gusto ko na lang mawala at hindi na bumalik. Walang gabing hindi ako umiiyak nang mag-isa sa kuwarto ko, inaalala ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko kung bakit ako nagkaganito.
Pero sa tuwing maiisipan kong sumuko, mukha agad ni Denver ang unang bubungad sa isipan ko. Iyong mukha niyang may magandang ngiti na nakakahawa. At muli ko ring maaalala ang lahat ng mga sinabi niya sa akin noong bago pa lang kaming magkakilala.
Napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko ang lahat ng 'yon, pero agad ding napapalitan ng lungkot sa kadahilang hanggang sa alaala ko na lang makikita ang pagngiti niya.
Sa nakalipas na mga linggo, sinusubukan kong kontakin silang apat para sana kausapin at humingi ng tawad. Pero bigo lang akong gawin 'yon dahil ni isa sa kanila ay walang sumasagot sa mga tawag ko, o nagre-reply sa mga chat at text messages na ipinapadala ko sa kanila. Ilang beses ko na ring binalak na puntahanan sila nang personal pero wala pa akong sapat na lakas ng loob para gawin 'yon.
Pagtapos ng mga nangyari ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko dahil sinayang ko lang 'yong pagkakaibigan namin na ilang taong din naming binuo.
Sinira ko ang tiwala nila, kaya hindi ko alam kung maibabalik ko pa ngayon ang lahat ng 'yon.
Sana nga ay maibabalik ko pa.
Sa lumipas na buwan ay walang araw na hindi ako iniwan ni Mama sa tabi ko. Palagi niya akong pinupuntahan sa kuwarto ko dahil buong araw lang akong nagkukulong. Minsan ay dinadalhan din niya ako ng pagkain sa tuwing hindi ako sumasabay sa kanila na kumain. Kita ko sa mga mata niya na awang-awa na siya sa akin, kaya nahihiya na rin ako kay mama na ganito ako—pabigat at dagdag lang sa problema niya. Pinapagalitan nga niya ako sa tuwing sinasabi ko 'yon sa kaniya.