Chapter 6

261 9 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang araw na ang nakalipas magmula no'ng huling pumunta si Denver sa bahay namin pagkatapos ng nangyari, at pagsalitaan ko siya ng mga masasakit na salita na ikinagalit niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang araw na ang nakalipas magmula no'ng huling pumunta si Denver sa bahay namin pagkatapos ng nangyari, at pagsalitaan ko siya ng mga masasakit na salita na ikinagalit niya. At some point, mabuti na rin na walang nanggugulo sa akin sa nakalipas na dalawang araw. Pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya sa ginawa ko. Ni hindi nga ako nakahingi ng sorry sa kanya.

Ngayon araw din ay may praktis kami ng banda para sa gig namin mamayang gabi. Napagkasunduan naming sa bahay nila Shaun kami magpapraktis dahil may practice room sila—na kung saan sound proof ito. At doon kami madalas nag-eensayo.

Alas diyes ng umaga na ako nakarating sa bahay nila nang sunduin niya ako sa bahay namin. Pagkarating namin sa practice room ay agad na bumungad sa akin si Third na naka-upo sa couch, naka-de-quatrong umupo habang naka-earphones. At sobrang abala sa pagtitipa sa cellphone niya.

Nang mapadpad ang mga mata ko kay Jason ay nagulat ako dahil nakita ko itong nakatingin sa akin na nanlilisik ang kanyang mga mata. At para bang gusto akong lapain ito nang buhay. Napatingin sa akin si Third at agad na napangiti saka kinawayan ako. Tinanggal niya 'yong isang earphone na nakasuot sa tainga niya.

"Uy, Max! Nandito ka na pala. Kanina ka pa namin ina—"

Hindi ko na natapos pakinggan ang sasabihin niya dahil bigla na lang akong sinunggaban ni Jason ng suntok sa pisngi ko, kaya bahagya akong napaatras. At awtomatikong napahawak sa pisngi kong sinuntok niya, na nagsisimula ng kumirot.

Napatingin ako sa itsura ni Third, at literal na nanlaki ang mga mata niya't napaawang ang bibig dahil sa gulat. Narinig ko ring sinaway ni Shaun si Jason ngunit hindi yata nito narinig ang sinabi niya, dahil nanlilisik pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Habang nakakuyom pa rin ang kanyang palad.

Sinamaan ko siya ng tingin saka humugot ng isang malalim na hininga.

"What the fuck, bro? Ano bang problema mo?!" sigaw ko.

"Jason, ba't mo ba sinuntok si Max?" untag naman ni Shaun sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin at nakatingin pa rin sa akin nang masama.

"Tinatanong mo kung ano 'yong problema ko sa 'yo?!" ulit niyang tanong sa 'kin pero 'di ko magawang sumagot at umigting ang aking panga.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon