Chapter 5

279 11 13
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tahimik lang akong kumakain ng agahan namin habang si mama at 'yong lalaking nagngangalan na Denver ay abala sa pag-uusap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tahimik lang akong kumakain ng agahan namin habang si mama at 'yong lalaking nagngangalan na Denver ay abala sa pag-uusap. Hindi niya alam na kanina ko pa siya tinitingnan nang matalim, at kung puwede nga lang talaga na saksakin ko siya ng tinidor na hawak ko ngayon sa sobrang inis ko sa kanya ay kanina ko pa 'yon ginawa. Isa rin sa mga dahilan kung bakit nag-aalburuto ako sa inis ay dahil sa nakakasulasok niyang ngiti.

Saka kahit masarap ang ulam na niluto ni mama at kinakain ko ay parang wala akong nalalasahan—na sa sobrang panggigigil ko ay halos durog na 'yong ulam na pork afritada sa plato ko.

"Maximillan, ano ba ang ginagawa mo sa pagkain mo?!"

Napapitlag ako sa biglang pagsinghal ni mama sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya at kay Denver, bago ko tiningnan ang plato ko. At bahagya akong nagulat dahil kung may buhay lang siguro iyong pagkain na nasa harapan ko ngayon ay malamang, torture na ang tawag doon. Dahil nadurog na nang sobra 'yong mga patatas saka 'yong carrots at green peas.

Binitawan ko anghinahawakan kong tinidor at napalunok saka bumuntonghininga.

"Sorry, Ma. May iniisip lang ako," pagdadahilan ko na lang at bahagyang napatingin sa mukha ni mama sa gilid ng aking mga mata para malaman ang reaksyon niya. Sumimangot siya at bumuntonghininga.

"Itong batang 'to talaga..." aniya at huminga nang malalim saka ito lumingon kay Denver at ngumiti.

"Hijo, pagpasensyahan mo na 'tong anak ko ha. Minsan kasi sutil 'tong batang ire saka sakit sa ulo," dagdag pa nitong sabi kaya literal na pinandilatan ko ng mata si mama at sinamaan ng tingin.

"Ma! Ano ba?!" 'di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tinarayan lang niya ako at nakakunot ang noo niya.

"Oh bakit? Hiyang-hiya ka sa ugali mo sa harap ng kaibigan mo?"

Nagsukatan kami ng tingin pagkatapos niyang sabihin 'yon.

And as soon as I accept my own defeat, I frowned in frustration. Muntik ko ng makalimutan na kasama pa pala namin si Denver, na kaharap ko ngayon at nakatingin lang sa aming dalawa ni mama.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon