Chapter 17

150 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh, bakit nakaupo ka lang dito? Ayaw mo bang sumama sa kanila" bungad sa akin ni Denver nang umupo siya sa tabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh, bakit nakaupo ka lang dito? Ayaw mo bang sumama sa kanila" bungad sa akin ni Denver nang umupo siya sa tabi ko.

Nakaupo kasi ako sa isang tabi na malayo sa mga barkada ko, at kay Yana. Gusto kong umiwas hindi dahil iniiwasan ko ang mga banat at pang-aasar nila sa aming dalawa, pero pakiramdam ko kasi ay parang masu-suffocate ako kapag nasa iisang lugar lang kaming dalawa. Lalo na at hindi pa ako handa na harapin at kausapin siya ulit. At hindi ko alam kung gusto ko rin ba siyang makita ngayon, o hindi.

Kung kailan naghihilom na ang sugat sa puso ko...

Tumingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na may hawak pala siyang isang baso ng wine at inabot niya ito sa akin. Hindi ko alam kung saan niya 'yon nakuha, pero nginitian ko na lang siya bilang tugon. At doon kaagad napunta ang atensyo ko nang hawak ko na ito sa aking kamay.

"Gusto ko lang mapag-isa," sagot ko sa kanya.

Mahina kong hinalo-halo ang laman ng basong hawak ko saka ako bumuntonghininga.

"Dahil ba sa kanya?" 

Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang kanyang sinabi. Mas lalong bumigat ang paghinga at pakiramdam ko nang dahil sa tanong niya. Nang tumingin ako sa kanyang mga mata ay nakita kong seryoso siya sa kanyang pagtanong. Kaya muli akong huminga nang malalim at nagsalita.

"Masyado bang halata?" nahihiya kong pagtanong at tipid niya lang akong nginitian.

"Sabihin na lang natin na sobra pa sa inaakala mo," pabiro niyang saad. Kahit papaano ay kumalma ako sa sandaling 'yon.

"Ewan ko sa'yo..." sabi ko na lang at ginulo ang ayos ng buhok niya.

Pagkatapos no'n ay muli akong natahimik, muling iniisip ang mga problema at alaalang matagal ko ng gustong ibaon sa limot.

Nakakainis. 

Alam ko't aminado naman ako na hindi ako mabuting tao, pro bakit ganito na lang kung gumanti sa akin ang tadhana? Na para bang mas gusto pa yata ako nitong makita na sobrang nahihirapan, kaysa nakikitang masaya't walang iniisip na problema.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon