Chapter 34

95 3 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang taon na rin ang nakalipas magmula noong iniwan ako ni Denver, at kung kailan din siya nawala siya sa buhay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang taon na rin ang nakalipas magmula noong iniwan ako ni Denver, at kung kailan din siya nawala siya sa buhay ko. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na balang araw ay magkikita ulit kaming dalawa, na babalik siya sa akin. Kaya hindi rin ako tumigil sa pagsulat ng mga liham sa kaniya, at pagpapadala ng kaniyang paboritong bulaklak—ang mirasol. Hindi ko na nga mabilang kung ilang liham na ang nagawa ko at kung ilang mirasol na rin ang nabibigay ko sa kaniya, pero hindi ko na lang 'yon inisip pa. Ang mahalaga ay maipakita ko at maiparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano rin ako nagsisisi sa mga nagawa kong kasalanan sa kaniya noon.

Kagagraduate lang namin ni Shaun noong nakaraang tatlong buwan. Hindi ko inasahang may music producer ang naka-discover sa banda namin kahit matagal na kaming hindi tumutugtog. Inalok kami nito ng kontrata at big break sa music industry, lalo na at naghahanap daw sila ng bagong talent noong mga panahong 'yon.

Siyempre, nakaka-overwhelm para sa aming dalawa ni Shaun dahil pangarap namin 'yon bilang isang banda. Pero hindi rin namin maiwasang malungkot dahil isang taon na rin nang huli naming makita sina Jason at Third, at wala na kaming balita tungkol sa kanilang dalawa. 

Gustuhin man namin na maging parte sila ng pagtupad ng pangarap namin noon ay wala rin kaming nagawa dahil noong kinontak sila ni Shaun ay sinabi nilang dalawa na ayaw na raw nilang tumugtog pa kahit kailan. 

May trabaho na rin kasi si Jason sa California, habang si Third naman ay siya na 'yong nag-aasikaso ng kanilang maliit na negosyo. At kahit ganoon man ang naging kahihinatnan ng aming pagkakaibigan ay proud pa rin ako sa kanilang dalawa, dahil mas pinili nilang unahin ang responsibilidad ng buhay.

Isang malaking sugal talaga ang pagbabanda dahil hindi mo alam kung ito ba ang bubuhay sa 'yo, o sisira sa mga pangarap mo. 

At saka hindi rin kami nagtanim ng galit sa kanilang dalawa. 

Sadyang may mga bagay lang talaga na kahit ano'ng pilit mong buuin ito ulit ay hindi na talaga ito mabubuo gaya ng dati. Sa kanilang dalawa ay alam kong si Jason lang 'yong may matinding galit at tampo sa akin. Nalilito lang si Third sa nararamdaman niya dahil alam kong mas malapit siya kay Jason. Lalo na at noong hindi pa nabubuo ang pagkakaibigan namin ay silang dalawa naman  talaga 'yong unang magkasama sa pagbabanda nila.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon