Chapter 33

105 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka pa ba napapagod?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka pa ba napapagod?"

Sandali akong tumigil sa pagsusulat para harapin si Shaun nang kausapin niya ako, na bahagya ring nakakunot ang noo ko. 

"Napapagod? Saan?"

Ngumuso siya sa papel na hawak ko kaya napatingin ako rito at mapait na ngumiti.

"Ganito nga talaga siguro kapag nagmahal ka nang husto, gagawin mo ang lahat para lang bumalik sa 'yo iyong taong mahal mo. Kahit napapagod ka na minsan, at gusto mo ng sumuko..."

Bakas sa mga mata niya ang awa saka naman niya ako nginitian. Huminga rin siya nang malalim at tumikhim bago muling nagsalita.

"Miss mo na talaga siya, 'no?"

Natahimik ako sa tanong niya at umiwas ng tingin, saka bahagyang yumuko. Muli kong tiningnan ang mga sinulat ko kanina at inangat ang papel na hawak ko saka ko ito pahapyaw na binasa gamit lang ang aking mga mata.

Mayamaya ay muli akong nagsalita.

"Sana nga ay mapatawad pa niya ako, Shaun..." pabulong kong sabi sa malungkot kong boses at huminga nang malalim.

Magdadalawang buwan na rin nang sinimulan kong magsulat ng mga liham na ipinapadala ko para kay Denver. Kasama rin ng mga mirasol—na siyang paborito niyang bulaklak. Tinulungan ako ni Shaun na alamin kung nasaan siya ngayon, at ang sabi sa akin ay nasa Batanes daw siya ngayon nakatira.

Pero hindi lang din kami sigurado kung totoo nga bang nandoon pa siya ngayon dahil iyon din daw ang huling balita tungkol sa kaniya, base sa napagtanungan ni Shaun.

Hindi na rin namin alam kung nasaan si Jason.

Kaga-graduate niya lang noong Mayo, at ang sabi ay nag-intern sa California, since may kamag-anak sila roon. Habang si Third naman ay nag-shift na ng course. Hindi rin nito pinaalam sa amin kung ano'ng course ang kinuha niya ngayon. Kasi minsan na lang din namin siyang nakikita sa university, at sa tuwing nagkikita kami ay hindi na ito gaanong pumapansin sa aming dalawa.

Hindi tulad ng dati, ngayon ay halos hindi na siya makatingin sa amin nang diretso. At may iba na rin siyang mga kinabibilangang kaibigan. Kaya hindi namin maiwasang malungkot ni Shaun, pero imbes na magpadala sa emosyon namin ay mas pinili na lang naming intindihin siya. Mas bata pa kasi siya sa amin kaya alam kong magulo pa ang isip niya ngayon para harapin kami ulit.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon