𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄
- Wattys2018 Shortlist
- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
***
Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang bilis ng panahon, at hindi namin akalaing enrollment na pala para sa panibagong semester. Napag-usapan naming magbabarkada na sabay-sabay kaming magpapa-enroll, kasama na rin si Denver. Silang dalawa ni Third ay magfi-first year pa lang, habang kami ni Shaun ay third year na sa kursong Mass Communication. Si Jason naman ay fourth year at graduating student sa kursong Information Technology. Noong isang araw lang namin nalamang tatlo na ang kukuning kurso ni Third at Denver ay parehong Multimedia Arts, na hindi naman masyadong magkalayo sa kurso namin ni Shaun.
Pagdating namin sa university ay agad kaming naghiwalay lahat, na kasama ko si Shaun. At magkasama namang dalawa sina Third at Denver. Habang si Jason naman ay kasama ang mga ka-blockmates niya.
As expected, sobrang daming estudyanteng nagpa-enroll sa second day ng enrollment. Halos tagaktak na ang pawis ko sa sobrang init ng panahon. Buti na nga lang at bumili kaming dalawa ni Jason ng mineral water, panangga sa uhaw at maalinsangang panahon. Isa pa sa nakakainit ng ulo ko ay ang mahabang proseso ng pagpapa-enroll, at ang sentipidong pila para sa final validation at down payment sa tuition namin.
Para naman kaming nakawalang dalawa ni Shaun sa hawla nang matapos kami sa pagpapa-enroll. Talagang nakahinga kami nang maluwag nang naglalakad na kami palabas ng admission office. Kasi hindi rin biro 'yong makipagsiksikan ka sa kay-habang pila, tapos kalaban mo pa ang magkahalong amoy at pawis ng ibang estudyante na kasabay mo. Napaka-grabe talaga!
Nag-text kami kina Third kung saan na ba sila, at sinabi nitong naghihintay silang dalawa ni Denver sa registrar. Kaya agad na kaming tumungo roong dalawa ni Shaun. Habang papunta naman kami roon ay tumawag si Jason sa akin at sinabing mauna na lang daw kami pagkatapos naming magpa-enroll dahil may gala sila ng mga ka-blockmate niya.
Pagdating namin ni Shaun sa registrar office ng department nila Denver ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig. Katabi naman niya si Third na nakaupo rin, nakayuko, at nakatitig sa phone niya habang naka-earphones. At noong nasa harapan na nila kami ay si Denver lang iyong nag-angat ng tingin sa amin dahil busy iyong isa sa pinapanuod nito.
"Tapos na ba kayong magpa-enroll?" tanong ni Shaun kay Denver nang lumingon ito sa amin. Kita ko ang pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat, at ang malalim niyang paghinga.