Katatapos lang ng unang semester namin noong nakaraang araw. Bago mag-semestral break ay talagang siniguro namin na kumpleto na lahat ng mga requirements namin para sa clearance, nang sa gano'n ay wala na kaming poproblemahin kapag magpapa-enroll next semester. Inakala ko rin na magiging okay na ang buhay ko ngayon, pero pakiramdam ko ay mas lalo lang itong lumala nang muling dumating si Yana. Iyong tahimik na buhay ko noon, at nasa phase nang pagmo-move on ay bigla na lang nasira ang lahat sa isang iglap.
Kaya heto ako ngayon—sobrang naguguluhan sa totoo kong nararamdaman. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba talaga ako sa kanya, ngunit hindi ko alam kung bakit hindi na ako sigurado sa sagot ko ngayon.
Maybe there's a part of me saying that I still love her, but I am unsure if that love is genuine. Or finding its haven.
A familiar place where I am comfortable to be myself with.
Kaya sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko ay talagang nakakalimutan ko pansamantala ang problema kong 'yon. Lalo na kapag kasama ko rin si Denver, nagiging kalmado ako kapag nand'yan siya sa tabi ko. It gives me an absurd feeling that makes me happy, and comfortable at the same time.
Sa tuwing natutulala ako at nakatitig lang kay Denver, kahit wala siyang ginagawa, napapaisip ako na talaga ngang ang laki na ng pagbabagong ginawa niya sa buhay ko ngayon. Natatakot pa ako noon na maging parte siya ng buhay ko sa ideya na baka baguhin nga niya ito. Pero ngayon, halos yakapin ko na ang pagbabagong iyon. At huwag ng pakawalan pa.
Kahit sa pagkakataong ito sa buhay ko, ipinaramdam niya sa akin na may karapatan pa rin akong magbago. Na may halaga pa rin ako, lalo na sa mga kaibigan kong itinuring na rin nila ako na parang tunay na kapatid. At sa pamilya ko, na kahit malayo man ang loob ko sa kanila. At kahit hindi man kami nagkaiintindihan, ay nagagawa pa rin nila akong patawarin. At intindihin sa kabila ng mga maling nagawa ko sa kanila.
Araw ng Sabado ay napagkasunduan namin na simulan ng mag-ensayo para sa sasalihan naming battle of the bands sa susunod na buwan. Usually, nagpa-practice lang kami sa garahe ng bahay nila Shaun, pero dahil may mga bisita ang mga magulang niya ngayon ay napagdesisyunan naming mag-rent na lang muna sa kilala naming studio para sa buong araw. Palagi na rin naming kasama si Denver sa tuwing nagpa-practice kami, at hindi ko alam kung bakit excited akong makita siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]
Romance𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 - Wattys2018 Shortlist - Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List *** Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...