Kinabukasan nang magising ako bandang mag-a-alas-singko ng umaga ay nadatnan kong tumabi na pala si Denver sa akin at nakayakap sa katawan ko at nakapatong ang ulo niya sa aking dibdib habang siya ay natutulog. Kaya nang makita ko siya sa ganoong posisyon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hinalikan ko ang noo niya sabay yakap sa kaniya nang mahigpit at muling pumikit. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang siyang gumalaw, kaya muli kong iminulat ang aking mga mata at pagtingin ko sa kaniya ay mukha niyang kagigising lang ang kaagad na bumungad sa akin.
Nang makita niyang gising na ako ay saka siya ngumiti at bahagyang ngumuso.
"Morning," saad niya sa bagong gising niyang boses.
"Ba't ka lumipat dito sa higaan ko?" tanong ko naman sa kaniya.
"Hindi ako makatulog kagabi, eh. Kaya tumabi na lang ako sa 'yo."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Ay, sus! Gusto mo lang talagang yumakap sa akin, eh." Pagkatapos ay nagtawananan kaming dalawa.
Kinuha ko 'yong phone ko na nakapatong sa ibabaw ng bedside table, at tiningnan ang oras. At nakitang pasado alas-singko na ng umaga. Muli ko itong nilapag pagkatapos kong i-check ang oras saka ko naman muling ibinalik ang tingin ko kay Denver.
"Labas tayo. Tingnan natin ang pagsikat ng araw," sabi ko sa kaniya at tumango lang siya sa akin.
"Sige! Gusto ko ring panuorin 'yon na kasama ka."
Napatitig ako sa mga mata niya nang sabihin niya 'yon sa akin. Hindi maalis sa labi ko ang ngiting siya ang naging dahilan nito. Inangat ko ang tingin ko at ginulo ang kaniyang buhok, saka siya muling niyakap nang mahigpit.
Ilang minuto muna kaming nanatiling nakahiga habang yakap namin ang isa't isa bago kami bumangon at lumabas ng kuwarto. Niyaya kami ng care taker ng beach house nila Shaun na magkape, kaya nagtimpla kaming dalawa ni Denver. Saka kami naglakad patungo sa dalampasigan. Nasa gilid ng cliff ang beach house nila kaya may hagdan pa ito pababa bago ka makatapak mismo sa buhangin. Pero hindi rin naman ganoon kataas ang bababaan namin, saktong sampung hakbang lang pababa. Kasing-taas lang ng mga normal na bahay na may isang palapag lang.
BINABASA MO ANG
Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]
Romance𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 - Wattys2018 Shortlist - Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List *** Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...