Chapter 21

101 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sure ka na ba na dito ka muna matutulog?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sure ka na ba na dito ka muna matutulog?"

"Oo, kuya. Paniguradong wala rin naman si papa sa bahay."

"Oh, sige. Basta kapag may kailangan ka ay tumawag ka lang sa akin ha?"

"Opo."

"Sige, aalis na ako. Max, ikaw na ang bahala sa pinsan ko."

"Sige, bro. Makaaasa ka."

Agad ng umalis si Jason matapos niya kaming ihatid ni Denver sa bahay. Magmula ng umiyak siya kanina sa sasakyan ay agad silang nag-alala sa kanya. At doon na nga nila nalaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng pasa sa kanyang pupulsuhan. Ramdam naman nilang ayaw ng magkuwento ni Denver sa kung ano talaga ang nangyari, kaya hindi na rin nila ito pinilit. Nag-offer na lang din sa kanya na sa amin muna siya matutulog ngayong gabi.

"Max?"

"Oh—"

Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit habang nasa labas pa rin kami ng bahay namin, nakatayo sa tapat ng gate. Ilang segundo akong hindi gumalaw dahil pa rin sa gulat, pero nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa niya ay napangiti ako. At niyakap din siya pabalik gamit ang isa kong braso.

"Salamat nga pala kanina. Kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko," aniya nang nakayakap pa rin sa akin.

Mas lalo akong napangiti saka ako yumuko para tingnan siya. "Siyempre, kaibigan kita. At mahalaga ka sa akin."

Dahan-dahan niya akong binitawan at tumingin sa mukha ko saka rin siya tipid na napangiti.

"Simula no'ng mawala si mama sa buhay ko, ngayon ko lang ulit narinig na may nagpapahalaga pa pala sa akin..."

Parang hinaplos nito ang puso ko, dahilan para manlambot din ako sa pagkakataong iyon. Hindi rin agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o matutuwa sa narinig ko. Kaya umiwas na lamang ako ng tingin saka ako lumunok at tumikhim.

"G-Gano'n ba?" Marahang siyang tumango sa akin at bahagyang yumuko.

"Malaking bagay na kasi sa akin 'yon, Max eh."

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon