Chapter 9

180 8 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Denver ah?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Denver ah?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Shaun sa tabi ko habang nakatulalang nakatitig kay Denver, na tumatawa habang may pinapanuod sa cellphone ni Third. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatingin sa kanila, lalong-lalo na nang nakatuon lang ang mga mata ko sa nakangiting si Denver.

Halos magdadalawang linggo na ang nakalipas, at gaya nga ng sinabi niya, palagi na kaming magkasama ni Denver. Halos kasama na rin namin siya sa tuwing nagpapraktis kaming tumugtog, o may lakad ang buong barkada.

Akala ko noong una pagkatapos kong sabihin sa kanya na magkaibigan na kaming dalawa ay pagsisisihan ko lang 'yong naging desisyon ko. Tinanong ko pa ang sarili ko kung tama ba talaga 'yong ginagawa ko. And I guess that I made the right decision, kasi unti-unti na ring nagbabago kung paano ko siya tratuhin at pakisamahan.

Kung noon ay ang sama ng trato ko sa kanya, ngayon ay hindi na. I mean, not totally. Lalo na at hindi ko pa rin maiwasang magsungit sa kanya kapag wala ako sa mood. May pagkakataon din na muntik na naman kaming mag-away. 

Ewan ko ba, pero sa kanya ko lang din natutunan kung paano humingi ng tawad sa tuwing may kasalanan akong nagagawa sa kanya.

"H-Ha? B-Bakit? Magkaibigan lang naman kaming dalawa ah?" kaswal kong sabi at nakita ko ang pagngisi ni Shaun. Kumunot naman ang noo ko dahil doon saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Ano?"

Umiling siya nang may nakalolokong ngiti. "Wala naman akong sinabi ah?" sagot niya.

Inirapan ko naman siya sabay buntonghininga.

"Wala nga, pero iba naman ang sinasabi ng tingin mo sa akin. Alam mo, kahit kailan eh napaka-malisyoso mo talaga. Bakit mo ba nilalagyan ng meaning ang lahat ng mga nakikita mo? Bukod sa ang kapal ng mukha mo, eh diksyonaryo ka ba? Aminin mo nga sa akin, Shaun?" saad ko at ang loko naman, tinawanan lang ako.

"Wala pa nga akong sinasabi pero ang dami mo ng satsat. Nahihimigan ko yatang tunog-defensive ang isa d'yan..." sarkastiko niyang sabi at muli akong tinawanan.

Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon