Halos nakaugalian ko ng sunduin si Denver pagkatapos ng klase nila. Kahit minsan ay tumatanggi siya dahil nakahihiya na raw sa akin, pero tinatawanan ko na lang ang mga sinasabi niya sa akin sabay gulo sa kanyang buhok. At saka kailan pa ba naging abala sa akin ang mga kaibigan ko, lalo na siya? Nagkibit-balikat lang siya nang sabihin ko 'yon sa kanya at hindi na namin iyon pinagtalunan pa ulit.
Pero epal pa rin 'yong kaklase niyang si Ethan. Parang aso, buntot nang buntot sa aming dalawa. Kung saan kami pumupunta eh nandoon din siya, mostly in an unexpected and coincident moments. Kainis nga eh! Feeling ko nga ay sinasadya niya talagang gawin 'yon para lang asarin ako, lalo na kay Denver. Pero kahit ano'ng inis pa ang nararamdaman ko sa kanya, sa huli ay mas pinili ko na lang na dedmahin siya.
Ngunit ang mas lalo ko lang talagang kinakaasar ay 'yong bigla na lang siyang susulpot na parang kabute. Like noong nasa canteen kami ni Denver kasama sila Shaun, bigla na lang siyang sumulpot. Tapos kukumustahin si Denver, hanggang sa kanya napunta ang buong atensyon ng kaibigan namin.
Akala siguro ng lalaking 'yon eh hindi ko napapansing sinasadya niya talaga na gawin 'yon para talaga asarin ako. Kinukutuban na nga ako dahil pakiramdam ko ay may gusto siya kay Denver eh. Ibang-iba kasi ang titig niya sa kaibigan ko.
Oo, kini-claim ko na talaga ngayon na kaibigan ko si Denver dahil iba talaga ang pakiramdam ko para sa ugok na 'yon! Hindi ako kumportable sa tuwing kaharap ko siya. Para ngang may binabalak na masamang gawin.
Tangina, subukan niya lang talagang saktan at pagtripan si Denver, at hindi talaga ako magdadalawang-isip na ingudngud ang pagmumukha niya sa barb wire!
Palagi ko namang sinasabi iyon kay Denver, na ayoko sa presensya ng kaklase niya—I mean ang Ethan-as na 'yon. At saka natutunan ko na rin na maging open sa kanya kasi ayaw niya raw ng mga nililihim ako. Kasi paano raw namin masosolusyunan ang problema ko kung hindi ko 'yon ipagtatapat sa kanya? Lalo na kung kasama rin siya doon sa pinoproblema ko.
Kaya naisip ko rin na tama nga siya. Useless lang kung palagi ko itong kinikimkim sa sarili ko. Dahil alam kong mauuwi lang 'yon sa pagtatalo naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Flowers, Love Letters and Regrets [PUBLISHED]
Romance𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 - Wattys2018 Shortlist - Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List *** Maximillan has a list of things he hated in life: his stepfat...