Chapter 66

1.5K 62 9
                                    

KIEFFER

Today is our 5th day here sa penthouse ni Travis and everything is doing fine naman, except sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Mainit ang ulo ko ngayon kasi kakababa ko lang galing sa taas tapos ito kaagad ang bubungad sa akin.

Nakahiga si linta sa binti ni Wayne tapos ito namang si Wayne, sinusuklay ang buhok ni linta. Mas lalong uminit ang ulo ko nang biglang amuyin ni Wayne 'yung buhok ni linta.

Mabango 'yan Wayne? Eh hindi pa 'yan naliligo eh! Ako, bagong paligo, bakit 'di mo ako amuyin? Bwiset!

Sa inis ko ay umalis nalang ako roon at lumabas. Aga-aga, 'yun kaagad ang bubungad sa akin. Doon nalang kaya sila maglandian sa kwarto nila no? Dito pa talaga sa sala.

"Kieff, anong kayang masarap ulamin ngayon?" Tanong ni Clarisse. Nandito ako ngayon sa mini garden ng penthouse ni Travis at nakaupo sa tabi ni Clarisse.

"Grilled bangus. Gusto kong kumain nun."

"Eh kakakain lang natin nun last Tuesday ah? 'Di ka ba nauumay?"

So anong gusto niya, baboy? Na naman?

"Keysa naman sa baboy diba? Kahapon baboy, tapos ngayon baboy na naman?!"

"Eh ba't ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako."

"Mainit ulo ko ngayon Risse." Tapos iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Good morning bakla! How's your day?!"

Napaikot nalang ako ng mata. Ayan na naman siya. Sa tuwing nandyan sa paligid si Bless, 'di natatahimik ang buong kaluluwa ko. Panay 'yung tanong tapos kapag sinagot mo, 'di naman maniniwala. Muntanga lang.

"Mainit daw ulo niya." Sabi ni Clarisse.

"Bakit na naman mainit 'yang ulo mo? Ang aga-aga tapos ganyan ka?"

"Wala. 'Di ko lang gusto ang ihip ng hangin doon sa loob."

"Asus! Naku ghurl, halata ka na. Yieee, umamin ka na kasi."

"Ha? Anong aaminin ni Kieffer?" Napatingin kaming dalawa ni Bless kay Clarisse na ngayon ay naguguluhan.

"Ay? 'Di mo pa pala alam?" Si Bless.

"Gaga! Magtatanong ba ako kung alam ko."

Sinamaan ko ng tingin si Bless. 'Yang bibig niyang ang hilig pumutak, malalagyan ka talaga 'yan ng scotch tape. Makikita niya.

"In love si Kieffer kay Wayne ghurl! 'Di mo alam yun?!"

Sinasabi ko na nga ba eh! Mamaya ka lang talaga sa akin babae ka! 'Yang bibig mo, ang lakas mangialam.

"'W-wag kang maniwala sa kanya. 'D-di 'yun totoo." Sabi ko naman kay Clarisse.

"Oh nautal ka that means you're lying!"

Sa inis ko ay kinuha ko ang tsinelas na suot ko. Tumakbo kaagad siya papalayo kaso natamaan ko siya.

"Aray!"

"Deserve mo 'yan! Umalis ka nga rito!"

"Bleeeh! In love si Kieffer kay Wayne, yieeee!"

Kinuha ko ang isa ko pang tsinelas at binato sa kanya kaso this time, nailagan niya na. Sayang.

"Bleeeh!"

Binato niya ulit sa akin ang mga tsinelas ko at tumakbo papuntang dagat kung saan naliligo sila Travis at Eula.

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon