Chapter 20

2.8K 130 5
                                    

KIEFFER

Nandito kami ngayon sa lobby area at papauwi na kami ng Manila. It was a great festival indeed. Even though hindi kami nanalo sa contest but I could say na nag-enjoy talaga ako sa pagbebenta. 'Di naman kasi all the time ay kami dapat ang manalo. Every contenders are unique and has unique ways of attracting customers. I know na ginawa namin ang best namin. And I'm happy for that. It's just that merong magaling pa sa amin when it comes to this. Besides, I'm happy we achieved second place. Not bad for first timers.

Marami naman kaming naiuwing panalo. Naipanalo ng school namin ang Verse Choir, Character Impersonation, Sing and Dance, and many more. Hindi na rin masama lalong-lalo na't most of us ay first time sumali sa ganitong festival though last year na namin ito for being a senior high school student.

Simula nung nangyaring insidente kagabi, 'di ko na nakakausap si Dhenver. Ilag siya sa akin kanina kahit iisa lang naman ang booth namin. Parang bumalik sa dati 'yung treatment niya, though parang 'di naman talaga nagbago 'yung treatment niya sa akin simula nang malaman niyang may gusto ako sa kanya.

Gusto ko siyang kausapin about sa nangyari kagabi. Sa isip ko, I don't want to talk about it anymore pero kasi naguguluhan ako. Was it intentional na hinalikan niya ako kagabi or was it because of the fact na lasing lang siya? I don't know. Malalaman ko lang kung itatanong ko iyon sa kanya. That was my first kiss and I always dreamed of having my first kiss as a romantic one under the moon and stars as they witness our undying love to each other. So you can't blame me if ganito ako.

Gusto kong maging first kiss si Dhenver but kagabi is not what I expected. It was just so sudden na hindi ko kaagad nagawang makapag-react. It was a stolen kiss but from the person I want to be with for the rest of my life. Big deal sa akin 'yun since I know na wala siyang feelings sa akin. Big deal sa akin 'yun kasi alam kong lasing siya kagabi at baka 'di niya lang alam ang pinaggagagawa niya. Big deal sakin 'yun cause I treasure every moments na nangyayari sa buhay ko at isa na 'yung nangyari kagabi. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin siya nakakausap. 'Di ko pa siya nakitang bumaba from his room so I'm waiting him here in the lobby. Hihintayin at kakausapin ko siya about sa nangyari kagabi. He said na kalimutan ko na lang ang nagyari kagabi. But how the heck would I do that? It was my first kiss at hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa sa aking isipan ang nangyari kagabi. I need to ask him kung ano nga ba ang ibig sabihin nung halik na iyon at nang matahimik ako. It really bothers the hell out of me.

Nauna nang sumakay ng bus sila Bless at Eula. Siguro sasakay nalang ako sa ibang bus pauwi. Hinihintay ko lang talaga ngayon si Dhenver. Bakit naman kasi ang tagal nun?

Naghintay pa ako doon ng halos limang minuto bago bumukas ang elevator at iniluwa doon si Dhenver kasama si Vanessa. For a moment, parang gusto ko na lang mag back-out sa pinaplano ko. Right! Nandyan nga pala yung girlfriend niya slash fiancée na laging nakabuntot sa kanya.

Aalis na sana ako but it was too late, Vanessa noticed me already.

"Look who's here again babe. 'Yung patay na patay sayo. Haven't I told you already na lumayo ka na samin? Alin 'dun ang hindi mo maintindihan?"

Hinarap ko silang dalawa at ngumiti kahit pilit lang iyon. Since nandito lang rin naman si Dhenver, lalakasan ko na lang loob ko para humingi ng pahintulot kung pwede ko siyang makausap.

"Pwede ba kitang makausap?" Sabi ko kay Dhenver. Please say yes! Please say yes!

"What?! Nahihibang ka na ba?! Stop flirting with my fiancé or else..."

"Stop it Vanessa! Kindly give us some privacy. May pag-uusapan lang kami."

Yes! Pumayag siya!

"What the hell Dhenver?! You are not going to talk to him or else I'll tell Tito Micco about this!"

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon