KIEFFER
Nandito lang kami ni Travis sa may dalampasigan at masayang nagkakantahan. Ang ganda pala ng boses niya. Ayaw pa nga niyang kumanta kasi nahihiya raw siya. May hiya rin pala siya ano? Akala ko kasi puro kayabangan lang ang alam eh.
Anyway, dahil mapilit ako, napakanta ko nga siya. Ako 'yung nag-gigitara at siya naman ang kumakanta. Random songs lang, any genre, as long as alam niyang kantahin at alam ko kung paano iyon gitarahin.
Pasado 8:00 na nang matapos kami sa pagkanta ng kahit na ano-anong maisipan na kantahin namin. Doon lang kumalab ang sikmura ko at nakaramdam ng gutom. Free naman siguro iyong hapunan namin diba?
"Gutom ka na?"
Tumango naman ako. For real, nagutom ako sa singing session naming dalawa. Masyado yata kaming na enjoy sa pagkanta kaya pati hapunan ay nakalimutan na namin.
"Dun daw tayo kakain sa pool area. Nandun daw lahat ng mga estudyante. Shall we?"
Tumayo siya at inabot niya ang kamay niya sa'kin. Hinawakan ko naman iyon para makatayo ako. Pinagpag ko ang mga buhangin sa shorts ko at kinuha ang gitara.
"Isasauli ko muna ito."
Kaagad akong tumakbo pabalik sa guitar shop at isinauli iyon. Laking pasasalamat ko sa cashier na nagbabantay doon kasi siya 'yung nagpahiram sa akin. Abot langit ang ngiti ko by the time na nakalabas ako ng shop.
Nandun lang si Travis sa labas at naghihintay sa akin. 'Di na siya nag-abalang pumasok pa kasi marami rin kasing tao ang nasa loob ng shop at baka mas lalo lamang sumikip kapag pumasok pa siya.
Sabay kaming pumunta ng pool area ni Travis. Sinalubong kaagad kami nila Bless at Eula.
Humiwalay si Travis sa akin at pumunta ito sa kanyang mga barkada. Ako naman ay sumama kina Bless at Eula. Tapos na pala silang kumain. Buti nalang talaga at may naiwan pang pagkain sa mesa kaya okay na rin 'to, gutom na talaga kasi ako.
Masyadong malaki ang pool area, siguro kasya ang mahigit 500 na tao. Part parin naman ito ng hotel na tinutuluyan namin kaya libre lang ang maligo since kasama na ito sa binayaran namin sa pagcheck-in kanina.
Karamihan sa mga kasama namin ay naliligo. Merong tatlong pool, yung isa ay mababaw lang, yung isa ay katamtaman, at yung isa ay napakalalim na. Most of the girls ay nandun lang sa mababaw while yung mga boys naman ay dun talaga sa malalim.
'Yung iba naman naming kasama ay nasa gilid lang din at nagcecellphone. May mga available chairs kasi sa paligid kaya dito naupo 'yung iba. Mukhang wala rin silang balak maligo kagaya ko kaya nandun lang sila sa gilid.
Masyadong maingay dito sa loob ng pool area at masasabi ko talagang enjoy na enjoy ang mga kasama ko. At dahil nga sa gutom na gutom na ako ay kaagad akong pumunta sa malaking mesa kung saan naroroon ang pagkain at kumain.
Sinamahan naman ako ni Bless para daw 'di ako lonely kapag kakain na ako. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang at maligo na siya ulit doon sa pool kaso mapilit at ang mas nakakatawa pa ay kumain ulit siya para raw may kasama ako. Ang lakas pala kumain nito, ngayon ko lang nalaman.
Habang kumakain kami ni Bless ay nilibot ko ang paningin ko. I don't know why pero may isang taong pilit na hinahanap ng mga mata ko. Masyadong crowded dito sa loob kaya 'di ko kaagad siya mahanap.
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...