KIEFFER
Nakatulog pala ako sa clinic kaya nang magising ako ay 5:00PM na. Kanina pa ang dismissal ng klase since 4:00 ito mag-eend. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin-tingin sa paligid. Kumakalab ang sikmura ko, takte namang gutom 'to, wrong timing.
Nasaan ang nurse dito? Hala baka umuwi na, nako naman. 'Di bale, 'yung property custodian nalang siguro ang maglolock nito. Hay nako Kieffer, perwisyo ka talaga.
Tumayo ako at akmang lalabas na ng clinic nang biglang bumukas ang CR at lumabas doon ang nurse. Ay, buti naman at hindi pa siya umuwi.
"Salamat nga po pala sa pagbenda ng kamay ko. Medyo nawala na po 'yung sakit at pamamaga."
"Mabuti naman. By the way, may ipinabibigay sayo."
Kinuha niya yung brown na paperbag na nakalagay sa mesa. Tinanggap ko iyon at tiningnan kung ano ang nasa loob. Pagkain? Kanino galing 'to?
"Kanino po 'to galing?" Taka kong tanong. Baka galing kay Eula or kay Bless. Hay, grabe naman kasi itong si Clarisse, masyadong protective sa akin, kaya pati kaklase ko ay inutusan pa.
"Ayaw niya ipaalam eh. Basta tanggapin mo na lang daw 'yan at kainin kase alam niyang 'di ka raw nakakain nang maayos kaninang lunch."
Luh? Sino kaya nagbigay nito sa'kin?
"Pakisabi nalang po sa kanya na salamat sa pagkain." Tumango naman ang nurse kaya lumabas na ako ng clinic. Kanino kaya to galing? Kung meron man akong secret admirer, I doubt it. Wala naman siguro, sino ba naman kasi ang mag-aabalang bigyan ako ng pagkain?
Bumalik ako sa classroom namin at wala nang tao sa loob. Good thing at bukas pa iyon kundi maiiwan sa loob ang bag ko. Kinuha ko ito at kaagad na lumabas.
Wala nang masyadong tao sa loob ng campus ngunit meron pa namang mangilan-ngilan na nagpapractice sa kanilang sports na sinalihan. May nagpapractice ng soccer dito sa field tapos sa kabila, nandun naman ang sa volleyball, both boys and girls and I think sa loob ng gym ay nandoon ang basketball at badminton.
'Yung mga taong nadadaanan ko habang papalabas ako ng campus ay nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi titingin eh 'yung kamay ko ay nakabenda. Baka iisipin nila na naputol ang kamay ko kaya nagkaganito. Hahayaan ko nalang sila kung ano ang iisipin nila. All I could think right now is kailangan ko nang umuwi, baka hinahanap na ako nina mama at papa.
Pahirapan ang paghahanap ko ng masasakyan pauwi. Wala nang masyadong mga sasakyan ang dumadaan sa harap ng campus namin since kanina pa ang uwian. Kaya inabot ako ng halos kalahating oras sa kahihintay. Buti na lang talaga at merong dumaan na jeep sa harap ko. Kahit masikip ay nakipagsiksikan pa rin ako, makauwi lang.
Doon ko kinain sa loob ang dala kong pagkain. I really wonder kung kanino 'to galing. Kung sino man siya, I highly appreciate this food. Sana sinabi na lang nung nurse sa akin kung sino ang nagbigay nito at nang mapasalamatan ko siya nang harap-harapan.
Halos isang oras din ang byahe ng jeep kasi na stranded kami sa traffic. Ito talaga ang pinakaayoko eh, ang umuwi galing sa school nang ganitong oras. Traffic na nga, papagalitan pa ako ni mama kasi ang tagal kong umuwi. Nakalimutan ko pa naman dalhin ang cellphone ko. Nandun lang yon sa study table ko.
Bandang 6:00 ako nakarating ng bahay. Kaagad akong pumasok at hinanap sila mama at papa ngunit 'di ko sila makita. Nasaan kaya sila?
"Ay sir, nandoon sina mama at papa mo sa bahay nila Tito Kyle at Tita Minerva mo. Kung gutom na po kayo ay ipaghahanda ko po kayo ng makakain."
Nakahinga naman ako doon. Buti naman at wala si mama dito kundi sermon na naman ang aabutin ko sa kanya.
"Ah hindi na, busog pa kasi ako."
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
Roman d'amourKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...