Chapter 47

2.3K 126 28
                                    

KIEFFER

"Let's go! We're late already!" Sigaw ni Wayne sa labas ng bahay.

"Teka lang! 'Yung notebook ko nawawala. May test kami ngayon!" Sigaw ko pabalik.

Nasaan na ba kasi 'yung notebook ko? Nandito pa 'yun kanina ah? Kainis naman! Late na ako huhu.

"Ian! Malalate na tayo!"

"Sandali nga lang!"

Lumabas ako ng kwarto at patakbong pinuntahan ang kusina. I think naiwan ko doon. Nang puntahan ko ang kusina ay nandoon nga.

Oh my God! Akala ko nawala ko na. Waaaah!

Nang makuha ko ito ay tumakbo na ako palabas. Sumalubong kaagad sa akin ang masamang titig ni Wayne.

"Tara na! Nagmamadali tayo diba?" Sabi ko sa kanya sabay naunang pumasok ng kotse.

Ang init! Grabe! Umagang-umaga mainit na! Binuksan ko ang aircon ng kotse at napapikit ako sa sarap ng hangin. Ang lamig! I need this.

Nakita ko namang pumasok si Wayne sa loob and then we're off to go.

Nakarating kami ng school bandang 7:55. OMG! 5 minutes nalang, waaah! Kung bakit ba naman kasi nagpuyat ako kagabi sa kakaaral ng mga lessons. Tapos 'di pa ako ginising ni mama.

"Dito na lang ako bababa. I park mo nalang 'yung kotse sa parking lot and then pumasok ka na sa room mo. And oh by the way, ito nga pala ang lunch mo. Ako nagluto niyan. Kainin mo 'yan, 'wag ka magpapalipas ng gutom." Sabi ko sa kanya sabay bigay nung tupperware na may lamang kanin at ulam.

"Thanks."

"Sige na malalate na tayo. Thanks for the ride. See you this lunch."

Bumaba na ako ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob ng campus. Waaaah! Malalate na talaga ako! Pumila ako para ma check ng guard ang laman ng bag ko.

Matapos ma check ay kaagad kong sinara ang bag ko at akma na sana akong tatakbo nang may tumawag sa akin.

"Bestie!"

Napalingon ako sa likod ko and it was Pen. Tumakbo siya papalapit sa akin habang hingal na hingal.

"Late ka rin?" Taka kong tanong sa kanya.

"Isn't it obvious? But anyway, I made it on purpose since we had no class in our first subject." Sabi niya tapos naunang maglakad sa akin.

Wait what?! What the f*ck?!

"Absent si Ma'am Anesthe?"

"She said yesterday that she'll be absent for 2 days because her son is sick. She told us yesterday, you did not hear?"

Aba malay ko bang sinabi niya pala iyon. Ikaw kasi Kieffer, 'di ka nakikinig. Ano ba kasing iniisip mo kahapon at mukhang lutang ka?

"No. 'Di ko siguro narinig."

"Nah, it doesn't matter. Anyway, let's eat lunch together today. Let's invite Wayne."

"Sure. I'll tell him."

Nang makarating kami sa room namin ay biglang kumunot ang noo ko. Ang dami kasing mga estudyante, mostly girls ang nagkukumpulan sa labas ng classroom namin. Teka, anong meron?

"Oh, he's here?"

Napalingon ako kay Pen nang sabihin niya iyon.

"Ha?"

"The transferee. You didn't know?"

"I heard about him yesterday."

"Come. Let's get inside."

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon