Chapter 17

2.5K 123 9
                                    

KIEFFER

"Oh my God! Ma'am, can we switch na lang please? Gusto kong mapabilang doon sa 40 students."

"Miss Funtabello, the decision is final! Whether you like it or not, you're coming with us!"

"Buti nga sa kanya."

Sinamaan ko ng tingin si Bless. Nagpeace-sign naman ito pero bakas pa rin sa mukha niya na natatawa siya.

Nandito kami ngayon sa labas ng hotel and what we just witnessed is ang pagpipilit ni Vanessa kay Ma'am Baynosa na masali sa 40 students na isasali sa contest sa pagbebenta ng books.

If I know, gusto niya lang naman sumali kasi napabilang rin si Dhenver sa 40 students, and guess what? Ka team ko siya. Leader namin si Eula, at kasama ko sa team ay sila Bless, Dhenver, Travis and other 5 members na 'di ko kilala.

Binaling bigla ni Vanessa ang tingin niya sa akin at sinamaan ako ng tingin. What the hell?! Anong problema niya? Galit ba siya na kasama ko si Dhenver sa iisang group tapos siya hindi?! Well, suit herself! 'Di ko naman kasalanan na ganito 'yung nangyari. It was Ma'am Baynosa's decision in the first place and not mine.

Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Vanessa at tiningnan si Travis na ngayon ay kausap si Dhenver. 'Di pa rin ako makapaniwala na nakasama ko si Dhenver sa isang group at contest pa talaga. Wala na Kieff. Asan na 'yung plano mong pag-momove on? Nakasama mo lang si Dhenver sa iisang group, bumigay ka na agad. Marupok ka nga.

Biglang napatingin si Dhenver sa direksyon namin kaya bigla akong napaiwas ng tingin. 'Wag niya sanang iisipin na siya ang tinitignan ko kundi patay na naman ako nito.

Dumistansya ka nalang Kieff para 'di ka na ipagtabuyan. I'm sure 'di niya rin gusto na makasama ako sa iisang grupo. Nandidiri siya sa akin diba? He's avoiding and ignoring me kaya 'wag kanang umasa Kieff. Besides, pwede mo naman siyang titigan sa malayo, pero 'wag ka lang magpahalata at baka mas lalong mandiri sayo 'yung tao.

Hay nako. Sira na naman 'yung plano kung mag-move on. Naku, naku! Kapag nalaman 'to ni Clarisse na useless lang yung pagmomove-on session namin nung summer vacation, magbebeast mode na naman 'yun. Eh kasi naman eh! Ang hirap kayang kalimutan ng isang taong palagi mong nakikita araw-araw. Tapos kapag 'di ko naman nakikita ay hahanap-hanapin ko kaya useless talaga. Kailan pa ba kasi ako matututo? Ikakasal na yung tao Kieff, wake up!

"Nakikinig ka ba?"

"Ha?" Napakunot ang mukha ko sa tanong ni Bless.

"Anong ha? Sinasabi ko nga ba eh, 'di ka nakikinig sa akin! Aalis na tayo, gusto mong magpaiwan dito? Aba ako hindi! Kaya tara na!"

Aalis na pala kami. Masyado yatang occupied ang isip ko kaya 'di ko namalayan na kinakausap na pala ako ni Bless. Tanga ka rin Kieff eh. Wag ka kasing mag-isip ng kung ano-ano kapag may kasama ka. Mamaya nayan kapag mag-isa ka nalang para pwede kang makapagmuni-muni.

Naunang umalis 'yung mga contestants na kasali sa language fest papunta sa school kasi doon ang venue. Kasama nila doon ang 60 students na hindi napili sa contest na sasalihan namin at isa na doon si Vanessa. Hay buti naman at tahimik na ang paligid, wala na kasi ang bruha, nakaalis na. Buti nga.

Sa sampung bus na dala namin galing school ay isa nalang ang natira at yun ang sasakyan namin papunta sa SM Seaside kung saan gaganapin ang contest namin.

Kasama namin si Ma'am Montejo since siya ang in charge sa contest na sasalihan namin. Sina Ma'am Baynosa naman at iba pang English at Filipino Depeartment na teachers ay nandun kasama ang mga contestants na kasali sa mga contests sa Language Fest

So basically, 42 nalang kaming naiwan dito. 40 students, si Ma'am Montejo at ang bus driver namin. Hinihintay lang namin si Manong kasi umiihi pa daw ito. 'Di pa naman kami malalate sa contest since magsisimula ito ng 10AM and it is 8:45 pa naman kaya no need to worry daw. And besides, malapit lang daw dito 'yung mall kung itatravel, siguro mga 20-30 minutes. 45 minutes ang byahe kung mamalasin sa traffic lalo na kung gabi since maraming umuuwi galing trabaho.

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon