Chapter 19

2.5K 136 19
                                    

KIEFFER

"Kanina ka pa diyan nakatulala. May problema ba?"

Umiling ako sa tanong ni Bless. Wala naman talaga akong problema. Like duh? Ano naman ang poproblemahin ko? Kung hindi ano, sino? 'Yung mayabang na lalaki na iyon? Bakit ko naman siya poproblemahin? Ganon na ba siya kagwapo para problemahin ko? Haler.

"Eh bakit nakatulala ka diyan? Ayaw mo pang matulog? May contest pa tayo bukas."

"Mamaya na. 'Di pa naman ako inaantok."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa available seat dito sa lobby area at lumabas ng hotel. 'Di naman siya sumunod. Mabuti na rin 'yun. Gusto ko munang mapag-isa.

Hanggang ngayon, 'di pa rin mawala sa isip ko si Wayne. Oo na, siya ang iniisip ko pero 'di ko siya pinoproblema, okay? Magkaiba 'yun.

Eh kasi naman, hanggang ngayon, fresh na fresh pa sa isip ko ang pagmamayabang na ginawa niya sa harap ko. 'Di ko aakalain na ganon pala ang ugali ng lalaking iyon. Saan ba 'yon nagmana o 'di kaya naman ay saan ba ipinaglihi si Wayne ni Tita Minerva para maging ganyan ang ugali ng anak nila?

I can't stand his attitude. I don't know if galit siya sa mga bakla or what pero I'm sure, ayaw niya ako na naroroon kasama ang family niya kanina. I don't know why pero the feeling's mutual. Ayaw ko rin siyang makasama sa iisang lugar.

At ang lakas ng tama para sabihan akong nagkakandarapa ako sa kanya. Like the hell?! 'Di ko iyon magagawa sa kanya. Kung si Dhenver iyon, baka pwede pa, pero siya? Never! Ganun kataas ang tingin niya sa sarili niya.

Oo nga't gwapo siya. Kahit kailan 'di ko naman iyon itatanggi. Pero kasi, 'yung ugali niya 'yung pangit! Buti pa sana kung snobber lang or walang pake sa mundo, pwede pa 'yun. Pero kung magyayabang lang naman sa harap ko, sorry, 'di siya fit sa standards ko. I hate arrogant people.

Buti nalang talaga at nakahanap ako ng palusot kanina. Sinabi ko kay tita at tito na sumama bigla ang pakiramdam ko. Mabuti naman at naniwala kaagad sila. Binigay nalang nila sa akin 'yung kakainin ko sana sa restaurant since tinake-out nila iyon. Kaya ang ending, iyon pa rin ang naging dinner ko kanina.

Himala nga at 'di na nila kasama si Wayne. Mabuti nga 'yun eh. Ayoko kasing makita ang pagmumukha niya. Sana talaga magbago 'yung tao na 'yun. Nakakainis masyado ang ugali. First time palang naman kami nagkita pero he got the nerve to say that sa akin kanina! He thinks I'm drooling over him and he said that he used to it. So anong tingin niya sa akin? Parehas sa mga bakla na nagkakandarapa sa kanya? Ibahin niya ako! F*ck him!

Napahilamos nalang ako sa mukha. Ngayon ko lang napagtanto, ba't sobra yata akong affected na niyabangan niya ako kanina? Masyado naman yata akong OA ngayong gabi. Hay, siguro kailangan ko nang magpahinga. Baka kulang lang ako sa tulog. Pero kasi, 'di pa naman ako inaantok.

Tama na Kieff. Masyado ka lang OA. Wag mo nang isipin 'yung Wayne na 'yun. Wala lang 'yung matinong magawa sa buhay niya kaya ganun nalang kung umasta. Baka nga pinagtitripan ka lang nun tapos ikaw kaagad itong OA. Ah basta! 'Di ko na siya iisipin muli. Kung magkikita man kami ulit, well 'di naman iyon imposible since magkakaibigan ang parents namin, sinusumpa ko talaga sa malaking kahoy sa likod ng bahay namin na 'di talaga kami magkakasundo hangga't 'di niya babaguhin ang ugali niya! Kahit sabihin pa ng parents namin na we should be friends, never mangyayari iyon! I swear!

Napag-isipan kong pumunta nalang sa dalampasigan. Kailangan ko ngayon ng peace of mind. Gusto ko lang magpahangin doon at makinig sa maiingay na hampas ng alon. Wala lang. Feeling ko kasi, nakakawala rin iyon ng stress.

Doon ako umupo sa bandang walang masyado tao. As usual, naupo lang ako doon at nagmukmok na naman muli. Dapat 'di si Wayne ang iniisip ko eh, dapat itong nararamdaman ko kay Dhenver.

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon