KIEFFER
Tumulo ang luha ka nang dahan-dahan as I witness the heartbreaking scene in front of me. 'Di ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. My heart suddenly breaks into millions of pieces.
My mind is telling me to go. Umalis ka na riyan sa kinatatayuan mo bago ka pa nila mapansin na nakatingin. But my heart is racing fast and was begging me to stand still. My feet can't move and I just watch them kissing with each other.
Malas ba talaga ako sa pag-ibig? Akala ko okay na eh. Aamin nalang ako kay Wayne na mahal ko rin siya then magiging masaya na kaming dalawa. Pero ano 'to?
Bakit sila naghahalikan? Ginagawa rin ba nila 'to sa loob ng kwarto nila? O baka naman mas malala pa rito 'yung ginagawa nilang dalawa?
"Don't stop baby. It feels so good."
Napapikit ako nang sabihin iyon ni Wayne. Bakas sa boses niya na nasasarapan siya sa halik ni Olivia. Nakasandal siya sa dingding habang hinahalikan siya ni Olivia sa leeg.
Ano 'to Wayne?! Ano 'to?! Bakit tayo umabot sa ganito Wayne? Bakit?! Akala ko ba mahal mo ako, tapos ano 'to?!
Naguguluhan ako sayo Wayne! Naguguluhan ako sa kinikilos mo! You told me that you love me. I just rejected you that night kasi I am very aware na wala naman akong nararamdaman sayo. Pero ito ako, naghahabol at umaasa na sana magkaayos tayong dalawa para naman masabi ko sayo itong nararamdan ko. Kaso bakit ganito?!
My sight is getting blurry dahil sa luha na tumutulo mula sa mata ko. Bigla akong nanghina. I did not expect this. I did not.
Napatingin si Wayne sa akin. Nagulat siya nang makita akong nakatayo habang nakatingin sa kanila.
Masarap ba Wayne?! Masarap ba humalik si Olivia?! Ha?!
"I-Ian..."
Mas lalo akong napaiyak nang bigkasin niya ang second name ko. For the past 2 weeks simula nung umamin siya sa akin that night, this is the first time na tawagin niya ako ulit by my second name. And it feels so good hearing my name coming from him.
Napatingin si Olivia sa akin. She then gave me her evil smile.
"I-Ian, let me explain."
"W-wala kang dapat ipaliwanag k-kasi 'di naman kita pagmamay-ari in the first place."
After I said those words, I ran downstairs as fast as I can. Sinuot ko ang tsinelas ko at tumakbo palabas ng penthouse. Takbo lang ako nang takbo. 'Di ko alam kung saan ako dadalhin ng dalawa kong paa basta ang alam ko lang, gusto kong tumakbo upang takasan ang nangyari.
Nandidiri ako sa sarili ko. Nagkagusto ako sa isang tao na akala ko ibang-iba kay Dhenver. Akala ko, iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Bibigay din pala siya sa isang babaeng sinaktan siya noon. Napakawalanghiya mo Wayne!
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapagod ako. Doon ko lang napansin na nakalabas na pala ako ng resort. 'Di ko alam kung nasaan ako ngayon. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon kasi umibig ako sa isang tao na ang akala ko, ang taong ipinagkaloob na sa akin ni tadhana.
Napaupo ako sa bench na naruroon at napahagulgol na lang. Masakit! Tangina! Grabe 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon! Para akong sinaksak ng sampung kutsilyo sa harap at likod.
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...