KIEFFER
Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at tiningnan ko kung anong oras na. 9:00 na pala ng umaga.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang taong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napangiti ako nang mapansin kong nakanganga pala siya. Hay nako.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at pumanhik sa banyo para magmouth-wash at maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at bumaba. Pagkababa ko ay nadatnan ko sila mama at papa na kumakain ng agahan.
"Oh Kieff, gising ka na pala. Kumain ka na." Sabi ni mama.
Lumapit ako sa kanila at naupo sa isa sa mga available na seat doon. Habang nagsasandok ako ng kanin ay napansin kong nakatitig silang dalawa sa akin. Eh?
"B-bakit po? May dumi po ba ako sa mukha?"
"Wala naman. Gusto lang sana namin tanungin kung kamusta naman ang naging date niyong dalawa ni Wayne." Sabi ni mama sabay nagtaas-baba sa kilay niya.
Ha? Ano raw?
Oh sh*t! Oo nga pala, 'yun pala 'yung rason ni Wayne kahapon. Ba't ko nakalimutan? Damn!
Come on Kieffer. Mag-isip ka ng palusot. 'Di dapat nila malaman na pumunta ka ng bar kagabi! Mapapatay ka talaga ng papa mo. Huhuhu. Help!
"D-date? Saan niyo naman 'yan nakuha? At tsaka bakit naman namin gagawin iyan? Magkaibigan lang kami 'no."
Magkaibigan na nga ba kami? Eh mukhang hindi pa naman. Kagabi ko lang nakausap nang maayos si Wayne, I'm sure, mang-aasar na naman iyon ngayon.
"Hay nako Kieffer, nagtatanggi ka pa. 'Wag kang mag-alala, botong-boto kami ng papa mo sa inyong dalawa. Yiee, may boyfriend na 'yung baby namin!"
"Ma! Walang kami, okay? Nagpasama lang si Wayne sa akin sa bahay ng kaibigan niya."
"Eh ano 'yung sinabi ni Wayne kagabi na magdadate kayo?" Tinaasan ako ng kilay ni mama. Ang taray ah?
"Sinabi niya 'yon?!" Kunyari gulat kong tanong.
"Eh 'yun 'yung sabi niya sa amin kahapon."
Maghanap ka ng palusot Kieffer kung ayaw mong mabuking kayong dalawa!
"A-ano kasi, uhm... Ano, 'yung ano, 'yung kaibigan ni Wayne! Tama! 'Yung kaibigan ni Wayne is may kikitaing babae na nakilala lang niya online. Tapos gusto ng kaibigan ni Wayne na magset-up ng date para sa unang pagkikita nila. Kaya ayun, naisipan ni Wayne na tumulong at dahil mabait ako, tumulong rin ako. Siguro namali lang kayo ng dinig."
And the winner for the best liar of the year goes to... Me, myself and I!
"Totoo 'yan?"
Napatingin ako kay papa at seryoso itong nakatingin sa akin. Hala ka! Kakababa ko nga lang, nasa hotseat na naman ako. Kailan nga ba 'to last na nangyari? Hmmm.
"Oo nga. Walang kami, okay? At tsaka kakakilala ko pa lang dun sa tao."
"Ay nako Kieffer, 'di ba uso sa inyo 'yung term na love at first sight? Nako, sa panahon namin, usong-uso 'yan."
Ako naman 'yung napataas ng kilay. Never uubra sa akin 'yang love at first sight na yan no! Never!
'Di daw uubra pero nung first time na nakita niya si Dhenver ay nagkacrush kaagad.'
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...