KIEFFER
Nagising ako sa ingay na nangagaling sa baba. Umaga na pala. Anong oras na ba? Napatingin ako sa relo ko and it is already 9:30 in the morning.
Bumangon ako at kaagad nagmouth wash sa banyo. Pagkatapos ay kinuha ko 'yung towel at naligo. 'Di naman ako nagtagal at kaagad ding natapos. Nagbihis ako ng pambahay at lumabas na ng kwarto.
Bumungad sa akin sila mama at Clarisse na masayang nag-uusap. Sila palang dalawa ang maingay. Anong ginagawa niya dito?
"Oh buti naman gising ka na anak. Magshshopping pala kayo ni Clarisse, may bibilhin daw kayo."
Napatigil ako sa paglalakad pababa ng hagdan. Oh sh*t, may usapan pala kami! So gusto niya talaga akong isama sa birthday ng mommy ni Dhenver?
So ayon ang nangyari, kakabihis ko palang ay nagbihis ulit ako. May sasakyang dala si Clarisse kaya ito ang ginamit namin para makapunta sa mall kung saan bibili kami ng pangregalo sa mommy ni Dhenver.
'Di naman kami marunong mag drive dalawa kaya yung personal driver ni Clarisse ang nagdrive. Nandoon lang kami sa likod nakaupo.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa labas. Ewan ko ba, nakatingin lang ako doon at nagmumuni-muni. Si Clarisse naman ay nag-instagram habang kumakain ng biscuit.
'Di man lang ba niya ako bibigyan? 'Di pa ako kumakain simula nung gumising ako. Paano ba naman, sabi na nga ni mama na mag-aagahan muna kami pero hinila na ako kasi nagmamadali daw kami. Ba't naman kami nagmamadali?
"Kieff, saan mo preferred kumain?"
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Bakit? Libre mo?"
Tumango siya kaya naman ay ako ang nagdesisyon. Trip ko kumain ng pizza ngayong araw kaya sa Greenwich kami pupunta.
Pagkapasok palang sa mall ay dumiretso na kami sa Greenwich. It's already 10 in the morning at marami-rami nang tao ang nasa loob ng restaurant.
"Anong gusto mo, Hawaiian?"
Tumango ako. 'Yun kasi ang pinakafavorite ko simula palang bata pa ako. Kay Clarisse naman ay mas preferred niya yung Italian Pizza since 'yun daw ang kinalakihan niyang kainin.
Naghanap ako ng mauupuan at sakto namang may nakita akong table for two kaya doon ako pumwesto. Nasa gilid ito kaya kitang-kita ko ang mga taong dumadaan sa labas ng restaurant.
'Di nagtagal ay dumating na ang order namin ni Clarisse. Kaagad ko itong nilantakan kasi gutom na talaga ako. Yum! Pizza for breakfast.
"Sa tingin mo Kieff, ano kayang magandang regalo kay Tita Diana?"
Napaisip naman ako 'dun. Wala naman akong ideya kung ano ang gusto ng mommy ni Dhenver, 'di ko nga kilala 'yung tao eh.
"Ano ba ang gusto niya? 'Yun ang bilhin mo." Suggestion ko sa kanya at saka nagpatuloy sa pagkain.
"Eh gusto niyang magkajowa na ang anak niya. 'Di naman kita pwedeng balutin."
Bigla akong nabilaukan sa narinig ko. Kaagad kong kinuha ang iced tea at saka ininom.
"Okay ka lang?" Bakas sa mukha ni Clarisse ang pag-alala.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano sa tingin mo?" Nginitian lang niya ako. Seryoso ako dito tapos magbibiro siya ng ganyan. Buti nalang talaga at may iced tea sa harap ko.
"Seryoso nga kasi ako Kieff. Gustong-gusto ni tita na magka-girlfriend na si Dhenver. Kaso ito namang si Dhenver, walang pake. 'Di ko nga nakitaan ng pagkainterest sa babae eh, siguro lalaki din ang gusto kaya may pag-asa ka." Sabi niya sabay nagtaas-baba ng kilay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...