Chapter 54

1.8K 98 25
                                    

KIEFFER

"Are you ready?"

Napatingin ako kay Wayne na ngayon ay nagsusuklay ng kanyang buhok sa harap ng salamin. Napangiti ako. I've never been more ready.

"Yup."

"Well then, let's go?"

Ngumiti ulit ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay.

"We will be back 9:00-10:00 tonight. Just feed Hiker and Kiever and gave them a bowl of milk." Bilin ni Wayne sa yaya nila Kiever.

"Yes sir."

Lumingon sakin si Wayne. "Shall we?"

Tumango ako at naunang pumasok ng kotse. Pumasok na rin si Wayne at sinimulang paandarin ito.

"Malayo ba 'yung lugar na pupuntahin natin?"

"It depends. Maybe 45 minutes to 1 hour ang byahe. Baka kasi traffic mamaya."

Tumango lang ako. 'Di rin nagtagal ay sinimulan niya nang patakbuhin ang kotse. Sa kalagitnaan ng byahe ay 'di ko mapigilang mapangiti. Saan kaya niya ako dadalhin?

"Excited na excited ka ah?"

"Syempre. Ngayon na lang ulit tayo nakalabas nang ganito."

"Maghintay ka lang, makakarating din tayo doon. I'm sure magugustuhan mo 'yung pupuntahan natin."

Napangiti ako. I just can't contain myself. I'm really excited.

The ride was amazing. Inaaliw ko ang sarili ko sa kakatingin sa mga naggagandahang tanawin sa labas. May mga ilaw ito kaya naman mas ma-aapreciate mo ito kapag gabi.

Bigla akong nagtaka nang biglang lumiko si Wayne sa ibang daan. Saan kami pupunta? Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong halos mga punongkahoy na ito. Gubat ba ang pupuntahan namin?

Tinahak lang namin ang daan. Napansin ko na 'yung daan ay pataas nang pataas. Bigla tuloy akong na excite. Nasa tuktok ba 'yung pupuntahan namin?

"Here, wear your jacket. Malamig doon since elevated ang lugar na iyon."

Yay! Tama pala ako. Kinuha ko ang jacket at sinuot. Mga 10 minutes pa ang tinahak namin bago namin narating ang isang lugar na halos maiyak ako sa pagkamangha.

Wow! Just wow!

'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at bumaba na ako kaagad ng kotse. Ang ganda! Waaaah! Isa itong restaurant tapos sa labas ay ang ganda ng mga decorations.

Napapalibutan ito ng mga punongkahoy na may ilaw. Ang ganda tingnan. Just wow. I had no words to say.

Nilingon ko si Wayne. Naghahanap pa siya ng mapaparkingan. Mostly kasi, occupied na ang spot kaya nahirapan si Wayne sa paghahanap. I think maraming tao sa loob. Ang dami kasing kotse na nakapark dito sa labas.

Nang makahanap si Wayne ng spot ay doon niya ipinark ang kotse. Bumaba siya at lumapit sa akin habang sinusuot ang jacket niya.

"Labas pa lang 'yan. Wait 'til you see what's inside."

"Then let's go!"

Hinila ko siya papasok sa loob. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang isang napakaromantic na kanta. Para kang hinaharana nito. Just as I thought, marami nga ang taong kumakain. Sikat siguro 'tong restaurant na 'to.

And just as I thought again, kung ano ang ikinaganda doon sa labas ay mas lalo pang ikinaganda dito sa loob. Napanganga nalang ako sa ganda.

Inilibot ko ang paningin ko. Manghang-mangha ako sa mga decorations na nakasabit sa dingding. Based on its styles and designs, masasabi ko na this restaurant is for romantic couples.

Worth the ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon