KIEFFER
"Bilisan mo naman!" Sigaw ni Bless sa'kin.
"Oo nga teka lang!" Bumalik ako sa loob ng bahay at tumakbo papunta sa kusina para kunin 'yung cookies na naiwan ko.
Today is Monday and it is Dhenver's birthday. At dahil bukas ko pa makukuha 'yung pusa, nagbake nalang ako ng cookies. Ito nalang muna ang ibibigay ko kay Dhenver mamaya.
6:00 na ng gabi at 6:30 mag ststart na 'yung party. Na late ako kasi tumulong pa ako kina mama at papa na mag-impake ng mga gamit para bukas kasi bukas na ng tanghali 'yung byahe namin papuntang Cebu. So basically, bukas ng umaga ko na lang ibibigay kay Dhenver 'yung pusa. Na excite tuloy ako.
Paglabas ko ng bahay ay nakita kong masama ang titig ni Bless sa akin. Ano na naman bang problema nito?
"Tara na nga. Wag ka na magmukmok diyan." Singhal ko naman sa kanya.
"Eh paanong hindi ako magmumukmok eh akala ko naman kung ano talaga 'yung naiwan mo sa loob. Pinaghintay mo pa talaga ako sa labas ng bahay niyo tapos cookies lang pala 'yung binalikan mo. Importante 'yan ghurl? Kakain tayo doon ba't ka pa nagdala ng snacks?"
This time, ako naman ang tumingin sa kanya ng masama. As if naman 'di niya ako pinaghintay nung nandun ako sa bahay nila no? At least siya, gabi na, eh 'yung sa akin, nasa labas ako ng bahay nila sa kalagitnaan ng tanghali at ang init-init nung time na 'yun no!
"Ibibigay ko 'to kay Dhenver. Kita mo na ngang nakadecorate 'yung tupperware oh!" Sabi ko sa kanya sabay pakita nung tupperware na may ribbon na nakatali tapos may card na nakasulat na 'Happy 18th Birthday, Dhenver'.
"Nag-effort ka pa talaga ha?"
"Syempre naman no! Birthday niya kaya ngayon."
"Anyway, 'yung pasalubong ko ha? Hanapan mo na rin ako ng boylet doon sa Cebu, okay?"
Oh diba, demanding 'yung lola niyo? Kating-kati na yatang magkajowa eh.
Nang makalabas kami ng village ay nandoon na si Eula at naghihintay sa amin. 'Yung sasakyan namin is 'yung sasakyan nila Eula at may personal driver siya at dahil mabait itong friend namin ay siya na ang nagpresenta na isakay kami papunta sa venue.
"Sa Grand Valley Hotel tayo diba?" Tanong ni Eula. Nasa passenger seat siya at kami naman ay nasa likod. Nakita ko namang tumango si Bless.
"Ba't doon tayo? Akala ko sa bahay lang nila tayo magcecelebrate?" Takang tanong ni Bless.
"Hoy ghurl, ikaw na nga lang itong makikikain, ikaw pa 'tong reklamador. Buti nga doon kasi hotel diba?" Pagtataray naman ni Eula.
"Eh kasi naman ghurl, mas nice pa rin 'yung magcecelebrate ka ng birthday sa bahay niyo diba? Pero may point ka naman, 'di naman ako 'yung nagbibirthday kaya bahala na sila doon. Basta ako, kakain ako doon."
Tsk. Ang lakas kumain ng lola niyo pero 'di tumataba. Ano bang sekreto ng babaeng ito?
"Haler, over 200 tayong Grade 12, sa tingin mo naman magkakasya tayong lahat doon?"
"May sinabi ba akong ganon? Wala diba?"
"Oh teka lang naman, mag-aaway na kayo niyan?" Pag-aawat ko sa kanila. Anak ng?! Nagkakasagutan na eh.
"Speaking of mag-aaway, okay na kayo ni Clarisse?" Takang tanong ni Eula sa akin.
"Luh, hindi ka updated ghurl?" Sabat naman ni Bless.
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...