KIEFFER
"Paano na 'yan ma? Paano uuwi niyan si Wayne?" Tanong ko kay mama habang nililigpit ko 'yung libro na nagkalat sa study table ko.
Ugh! If I know, si Wayne ang may kagagawan nito. 'Yung kumag talaga na 'yun, ayaw magpatalo! Porket ba nilakasan ko 'yung aircon ay 'yung mga libro ko 'yung guguluhin niya? Taena 'yun ah? Badtrip!
"Anong uuwi ang pinagsasabi mo? Dito matutulog si Wayne. Gabing-gabi na oh."
Napalingon ako kay mama nang sabihin niya iyon. Pinanlakihan ko ng mata si mama. Anong dito siya matutulog? Like dito sa kwarto ko?
"'Wag mo nga akong panlakihan ng mata."
"Sorry hehe. Nagulat lang kasi ako. Anyway, pwede naman siya sa guest room diba?"
"Anong guest room pinagsasabi mo? 'Yung totoo Kieff, lutang ka ba? Diba sira 'yung kama sa guest room?"
F*ck! Oo nga pala! Ba't ko iyon nakalimutan?
"So saan natin siya patutulugin ma?"
"Diyan sa kama mo. Kasya naman kayong dalawa riyan."
"Hala teka..." 'Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi lumabas na ng kwarto si mama.
Argh! Ano ba namang buhay 'to! Dapat kasi 'di nalang ako pumayag kay Tita Minerva kanina na isakay kami ni Wayne eh! Ayan tuloy, dito matutulog si Wayne. And what's worst, tabi pa kami.
Napatingin ako sa kama ko. Medyo malaki naman ito at may point naman si mama, magkakasya ang dalawang tao sa kama ko. Pero kahit na 'no, ayoko ngang matulog na katabi 'yung hambog na 'yun! Like duh? 'Di nga kami bati, remember?
Paano na 'yan? Huhuhu.
Pumunta ako sa cabinet ko at naghanap doon ng mattress na pwedeng higaan. Nasan na ba 'yun? Ang alam ko kasi dito ko lang iyon nailagay. Ginagamit kasi namin iyon ni Clarisse sa tuwing mag-oovernight siya dito.
Pambihira! Nasaan na ba kasi 'yun?
"Ahhh. What a comfy bed."
Napatigil ako sa paghahanap ng mattress. Tiningnan ko si Wayne na ngayon ay bagong ligo, nakabihis ng pantulog at sarap na sarap sa paghiga sa kama ko. Taena talaga! Letse!
"Is that your kitten downstairs?"
"Oo, bakit?"
"He's cute. 'Yung may-ari hindi."
Okay Kieff. Kalma ka lang ha? Bisita 'yang nakahiga diyan sa kama mo. Kumalma ka lang. Kalma, okay?
"Alam mo bang 'di ka na nakakatuwa? I don't know kung anong problema mo sa akin when in fact, wala naman akong ginawa sayo na masama. Kung ayaw mo sa akin, then at least irespeto mo naman ako. 'Di naman kita pwedeng pilitin na itigil mo na 'yang pang-iinsulto mo sa akin. Ang sa akin lang, know your limits. Kasi kung sa tingin mo nakakatuwa ang ganyang personality, para sa akin hindi."
After kong sabihin 'yun sa kanya, lumabas ako ng kwarto at pumunta ng sala. May sofa naman doon kaya doon na lang ako matutulog. Ako nalang ang mag-aadjust, nakakahiya naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Worth the Chase
RomanceKieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from another section. Whenever he sees Dhenver walking down the hallway, he runs towards him, causing Dhenver...