TWENTY FOUR

3.9K 131 32
                                    

HAPPY READING..

_________

"Relax anak darating yon baka natraffic  lang." ilang beses na yang sinabi ng daddy ko. Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba dahil hanggang ngayon wala apa rin siya. Ilang beses rin ako palakad lakad pabalik balik para kahit papano kumalma ang nararamdaman kong kaba.

Napabuntong hininga ako ng ilang ulit at tumingin kong saan ang entrance. Binubundol ng kakaibang kaba ang puso ko kung bakit hanggang ngayon wala pa siya.

"Kalma pre para ka nang suka diyan sa pamumutla,hahaha." asar pa sakin ng kaibigan ko kaya nagtawanan ang mga ito,sinamaan ko sila ng tingin kaya natahimik.

Isang buwan ko ito plinano,natagalan nga dahil pinangungunahan ako ng kaba,kahit matagal na kami hindi ko pa rin hawak ang isip niya natatakot ako na baka hindi niya ako tanggapin. Apat na taon ang hinintay ko para maging handa ulit siya,apat na taon kaming magkasama sa iisang bubong,wala naman akong duda sa pagmamahal niya dahil nararamdaman ko naman na totoo siya. ako lang ang praning mag isip ng mali. Sa nakalipas na apat na taon naging masaya naman ang pagsasama namin,kahit na minsan nag aaway kami,pero nandiyan pa rin siya na handang umintindi. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya hanggang sa naramdaman ko nalang na siya na ang mundo ko,sila na ang mundo ko.

Ang anak namin ang nagpapatibay ng relasyon na meron kami,pero syempre hindi lang ang anak namin kundi ang pagmamahal ko sa kanya.

Natauhan ako nang may tumapik sa balikat ko kaya napabaling ako sa entrance. Ngayon ang araw na magpopropose ako sa kanya,kahit hindi ko alam ang isasagot niya gagawin ko pa rin. 'mahal ka niyan magtiwala ka lang' sigaw ng kabilang isip ko. Nawala ang mga kasama ko kaya binundol na naman ako ng kaba, hinihintay ko na bumukas ang pinto. Nandito kami sa hotel,surprise proposal ito sa kanya. Simple lang ang loob ng hotel kung saan mula sa entrance may nakahilera na mga maliliit na kadila,at may mga petals na nagkalat sa sahig,nanonoot sa ilong ang amoy ng scent ng kandila at ang bango ng mga bulaklak. May mga hiding camera sa paligid kong saan senet nila daddy kanina,dahil kami lang dito habang sila nanonood sa screen. Pinatay ang ilaw at isang dim light lang ang bukas saka ang mga kandila yon ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Sa gitna may malaking puso na gawa sa mga petals ng bulaklak at may small scented candle na pahugis puso din ang pagkakalagay. Mas domoble ang kaba ko nang bumukas ang pinto,napatigil ito pagkapasok  at tumingin sa paligid. Hindi muna ito gumalaw sa kinatatayuan hindi ko masyado natatanaw ang reaksyon ng mukha niya dahil sa dimlight. Nakasuot ito ng dress abot hanggang itaas ng tuhod. Hinintay kong humakbang siya pero ilang segundo na hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan,takip takip ng palad ang bibig. 'please walk' bulong ko. Nanginiginig sa lamig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. Pumailanlang ang kanta kaya mas nanlamig pa ako, kalma lang Louie gagalaw din yan' sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

'I don't know but I believe
that some things are mean to be
And that you'll make a better me
Everyday I Love You

I never thought that bream came true
But you showed me that they do
You know that I learn something new
Everyday I love You

'Cause I believe that destiny
Is out of our control
(don't you know that I do)
And you'll never live until you love
With all your heart and soul

It's a touch when I feel bad
It's a smile when I get mad
All the little things I am
Everyday I love You.....

Mabagal ang bawat hakbang niya habang nakatingin sa unahan,hindi ko mawari kung sa akin ba o sa hugis puso na nasa sahig. Nagpatuloy ang kanta habang mabagal ang hakbang niya,nakahawak ang palad nito sa dibdib na animoy pinapakiramdaman din ang sarili. baka pareho ang tibok ng puso namin' sa isip ko ulit.

'Everyday I love You'

"A-ano to? a-anong meron?" utal na tanong niya nang makarating sa unahan. Hindi ako nagsalita ngumiti lang ako at kinuha ko ang kamay niya at sabay na kami pumasok sa hugis puso. Nakayuko ito at basa ang pisngi siguro naiyak sa surpresa ko. Pinahid ko ang basang pisngi niya at hinalikan ang noo nito. Ang tibok ng puso ko sobrang lakas na din kung wala lang ang kanta siguro naririnig na niya. "Ano ba ito? bakit may paganito ka! ano na naman ang pinaplano mo,, nakakainis ka talaga ano namang pakulo mo.!" anito na naiiyak sabay hampas  ng mahina sa braso ko. Kaya napapangiti nalang ako dahil para na naman siyang bata,at ang pag iyak nito.

Pinunas ko ulit ang luha sa pisngi niya saka inabot ang isang kamay niya,napapasinghot na lang ito at paminsan minsan hinahampas ang braso ko na ikinatawa ko naman. "Alam kong napatagal bago ko naisip ang bagay na ito, hindi ko alam kung paano ko gagawin, pinapangunahan ako ng kaba na hindi mawari." panimula ko habang hawak ang isang kamay niya  at nakatingin ng deritso sa mga mata niya. "baby alam ko minsan nasasaktan kita hindi sa pisikal kundi emosyonal, hindi ako nagiging mabuti minsan sayo,pero nandiyan ka pa rin para intindihin at unawain ako. Pero lage kong sinasabi sayo na mahal na mahal kita kayong dalawa ni Prince." humina ang music at pagsinghot nalang niya ang naririnig ko. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko habang nagsasalita ako.

Dahan dahan kong binababa ang isang tuhod ko habang nakatitig sa mga mata niya,nakaawang ang bibig nito nakatingin sa akin. Nang tuluyan ko nang nailapat ang isang tuhod ko sa sahig binitawan ko muna ang isang kamay niya na hawak ko kanina saka dinukot ang maliit na box sa pocket ng slack ko sa likuran.

"Aurora Micaela Santos can you be my wife? pinapangako ko na maging mabuti akong asawa sayo,aalagaan at mamahalin habangbuhay, pwede ba.?" tanong ko pero agad ito sumagot nanatili itong nakatayo at nakatitig sakin,kaya binundol ako ng kaba dahil hindi ito nagsalita nakatitig lang siya sa singsing na hawak ko.  "B-baby? p-payag ka bang maging asawa ko.?" ulit ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot na baka hindi siya pumayag.

Ilang segundo pa akong nakaluhod habang nakataas ang kamay na may hawak na singsing. Susuko na sana ako nang inabot niya ang isang kamay umiiyak itong habang tumatango. Sa sobrang saya tumayo ako at mahigpit siyang niyakap.

"Ano ba isuot muna.." anito nang ilang beses akong umikot ikot habang buhat siya,kaya natatawa akong binaba siya at isinuot ang singsing sa daliri niya. " Yess payag na payag ako... ang ganda, matagal ko nang gustong maging Mrs Salazar, ito na to,." nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa daliri pinahid ko naman ang luha sa pisngi nito na bumagsak.

"I love you babe." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit,nang humiwalay ng yakap agad ko siyang siniil ng halik na tinugon din naman agad. Naghiwalay lang ang mga labi namin nang biglang bumukas ang ilaw at umugong ang palakpakan sa loob ng hall. Kaya napayakap siya sakin at nangingiting tumingin sa mga taong bigla lang sumulpot. Kanya kanya  ang mga ito sa bati at congratulate sa amin.

"Congrats mama..daddy.." boses iyon ng anak namin na tumatakbo palapit sa amin. Umuklo naman ako at binuhat ito nang makalapit na. Isa isa kaming hinalikan at ganun din ang ginawa namin. "Loveyou mama daddy.." anito

"I love you so much,mahal na mahal ka rin namin ni mama." sagot ko at hinalikan ito,saka hinalikan ko ang babaeng mahal na mahal ko.

"Mahal na mahal din kita Louie, thank you." mahinang sabi niya at yumakap sa akin.

And I'll give you my best
Everyday I Love You.'



___________

UPDATE...

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon