ELEVEN

3.1K 132 27
                                    

Sunod sunod ang pagsubok ang dumating sa mundo. Marami na namang buhay ang nawala, Nawa'y nasa mabuting kalagayan kayong lahat. Huwag kalimutan magdasal sa Panginoon siya lang ang tanging makakapagligtas sa ATIN.

Praying for all people in CAGAYAN and ISABELA province GOD is With US. Goddess all and Keep safe..

_______

"LOUIE .?'' Mahinang banggit ko sa pangalan niya. Kahit malayo siya kitang kita ko kong gaano kadilim ng mukha nito habang nakatingin sa gawi namin.

Nasa likuran nito ang amang si tito Ezekiel at may tatlo pang kasamang lalaki. Gusto kong ngumiti dahil nadinig ng diyos ang hiling ko na sana dumating ang taong gusto ko. At hindi niya ako binigo dahil ngayon nandidito siya sa harapan ko. Naglakad na ang mga ito papalapit sa amin nakasunod lang dito ang tatlong lalaki na kasing edad ata ni tito Ezekiel lahat sila nakasuot ng mga tux na animo'y mga businessman ang gagwapo pa ng mga ito hindi ko pinansin ang mga magulang ko.

"Anong ibig sabihin nito at sino naman kayo?!" galit na boses ng ama ko nang makalapit ang mga bagong dating. Ang mga  bisita tahimik na nakatingin sa amin at wala akong pakialam basta ang nasa isip ko ngayon kung bakit nandidito ang binata.

"I'm Louie Salazar, I'm here for my wife, sinusundo ko na siya..." anito,'wife?' parang mas namingi ako sa mga salitang binanggit nito. Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya asawa? sinong asawa?  ako ba ang tinutukoy niya? at syempre ang malanding puso ko gusto ng lumabas sa dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

"Asawa? young man baka nagkamali kang pinuntahan wala kang asawa di..."  hindi natuloy ng ama ko ang sasabihin nang hawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa tabi nito na ikinahiyaw ng mga tao sa paligid.
At hindi ko inaasahan sa ginawa niyang yon sakin mas lalong gumugulo ang utak ko at hindi pa napa-process ang lahat nakaawang pa rin ang bibig ko. At kakaiba na rin ang pagtibok ng puso ko nang magdampi ang mga balat namin, na parang may kung anong kiliti akong naramdaman. Ang  paghawak niya sakin parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya patungo sa braso ko  at gumapang papuntang kaibuturan ko na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.

"Siya ang asawa ko." sabi niya habang nakatingin sakin. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman kong kilig kung kanina ay takot ang naramdaman ngayon hindi na. 'ang bilis naman ng rescue mo Lord hindi mo ako binigo' malanding kabilang isip ko. Ang mga mata niyang ang gagandang tingnan ang labi na kay pula na parang ang sarap halikan. Nakagat ko ang ibabang labi ko, dahil feeling ko pulang pula na ang buong mukha ko.
"Kaya hindi siya pwedeng ikasal ulit dahil kasal siya sakin at wala akong balak iannal yon." magsasalita pa sana ang ama ko pero hindi nito natuloy nang magsalita ang isang lalaki kaya nabaling ang tingin ko dito.

"Stop right there mr. Santos naayon sa batas na kapag kasal pa ang isang tao hindi pa ito maaaring ikasal sa iba. I'm attorney Jemuel Francisco, kung gusto niyo magkita kita nalang tayo sa korte, ." May kinuha ito sa bitbit nitong attache case na hindi ko napansin na may dala pala ito, may inabot itong papel sa ama ko pero hindi ito pinansin.  Napatakip  ako ng mga palad sa bibig at nanlaki ang matang nakatingin sa lalaking nagsalita 'abogado siya?
Si tito Ezekiel at ang dalawang lalaki seryoso ang mukhang nakatingin lang,kamukha ni attorney Francisco ang isang lalaki pero ang isa ay singkit ang gagwapo nilang tingnan mukhang kagalang-galang. Hindi maitatangi na mayayaman dahil sa ayos palang bunos points nalang ang magagandang mukha nila.

"Alam ko yon! at sigurado akong wala pang asawa itong anak ko matagal ko na nakasama ang anak ko paanong nagkaroon siya ng asawa nang hindi ko alam.." galit parin ang tono ng boses ng ama ko. Nagsalita na rin ang ama ni Satan na kanina pa tahimik kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon