NINETEEN

3.3K 137 18
                                    

HAPPY READING SALAMAT.

______

WALA AKONG online class ngayon dahil may teacher's meeting ang mga prof. ko kaya whole day ako kay baby. Kaming  dalawa lang dito sa bahay dahil may mga pasok sila,si tita Michelle nasa restaurant nila opening kasi yong isang branch ng restaurant niya kaya kailangan nandun ito.

Katapos ko lang paliguan si Prince at bihisan,nilagay ko muna siya sa crib para malinis ko ang ginamit ko na panpaligo. Dalawang linggo ang nakalipas na naging kami ni Louie mas naging sweet at maalaga pa ito sa amin. Pero hindi pa siya pinapayagan ni tita na matulog kasama namin dito sa kwarto.

'alam ko ang likaw ng bituka ng mag amang  yan kaya mag iingat ka baka di pa mag isang taon si Prince ay masundan agad' naalala kong sabi sakin ni tita nang minsan na nagkausap kami.

Halos mamula ako sa hiya nang sabihin niyang lahi ng malalaking alaga ang mga SALAZAR, sa sobrang tagal na nang nangyari sa amin ni Louie hindi ko matandaan kong nakita ko ba ang alaga nun, eh yong panahon na yon nanginginig ako sa takot at pagmamakaawa ang nasa bibig ko hindi ko nabigyang pansin ang alaga  nun. Siguro malaki ayon na rin sa nakikita ko tuwing nakasuot siya ng pantalon o kaya short kasi may bumubukol. pero yong sayo pinakita mo na di ba? singit ng utak ko. Napatingin ako sa salamin dito sa banyo para makita ang sarili dahil pakiramdam ko namumula ako. Tinampal tampal ko ang magkabilang pisngi pero mahina lang. Muntik na nga kami nun eh! buti naman nakapigil pa ako,nasa isip ko kasi nun sila pa ng kasintahan kaya napatakbo ako ng banyo that time.

Pagkatapos kong maglinis ng pinagliguan ni Prince naligo na rin ako para makababa na kami. Paglabas ko ng banyo naglalaro na ang anak ko sa crib ng mga laruan nito. Marunong na rin siyang tumayo nakahawak lang,marunong na rin siyang dumapa at gumapang. Prince he's six months old na mas lalong lumalabas ang mukha ng ama sa kanya, ang kulay ng mata ang tangos ng ilong ang manipis na labi,pati ang hugis ng muka, nakakasakit sa loob ko dahil ako nagdala sa kanya ng siyam na buwan tapos kamukha lang ng ama samantalang sakin wala man lang nakuha.

"Baby kakabihis mo lang basa na naman damit mo.." sabi ko ngumiti lang ito habang kagat kagat ang laruan na binili ni tita Michelle,may tumutubo na kasi na ngipin kaya panay laway everytime akong nagpapalit ng damit dahil basang basa ang damit sa bandang dibdib. Binuhat ko naman ito at binihisan saka bumaba na para sa baba na kami. Pagkababa namin nilagay ko siya sa crib ulit at binalikan ang mga labahan niya dahil lalabhan ko, bukas kasi may online class na ako,nahihiya naman akong si tita na naman ang maglalaba. Tita pa rin ang tawag ko kahit ilang beses na niyang sinasabing mommy nalang pero naiilang pa ako,."diyan ka lang baby ha!lalabhan lang ni mama mga damit mo." hinila ko na naman ang crib patungong laundry binigyan ko lang siya ng dede saka sinimulan ang paglalaba.

Tamang tama natapos na ko saka naman siyang umiyak, kinausap usap ko lang lang habang nagsasampay pero hindi tumigil "baby saglit lang matatapos na si mama sampay nalang ng damit mo." inabot ko sa kanya ang pasifier kinuha naman ito at nilagay sa bibig. Minadali kong magsampay baka umiyak na naman. Mabuti naman hindi na umiyak, kaya umalis na kami sa may laundry saka sa kusina na naman kasi mag eeleven na ng tanghali, naghanap nalang ako ng mga natira kaninang pagkain yon nalang ininit ko tinatamad na kong magluto. Nang matapos kaming kumain nagtungo na kami sa sala. Kumakain na rin naman si Prince basta malambot.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ang anak kong ngumingiti wala akong pinagsisihan kahit na hindi namin sinadyang mabuo siya, dahil hindi naman talaga kaming magkakilala ng binata at isa pa nasa ilalim ito ng druga. Napatingin ako sa anak kong naglalaro, kamukha talaga siya ng ama lalo pag nakanguso tumutulo pa ang laway.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ito saka pinasa sa ama, siguro lunchbreak na nun mag twelve na rin eh. May mga messages at tawag na rin siya na hindi ko nasagot iniwan ko lang ang cellphone dito sa sala bago ako naglaba kanina kaya hindi ko narinig ang tawag. Dati naman hindi ako kinikilig pag tumatawag ito pero bakit ngayon parang maiihi na ko sa kilig makita lang ang pangalan nitong nag pop up sa screen ko. ano ka ba Aurora magtigil ka nga saway ko sa sarili.

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon