SPG ALERT BAWAL SA MGA BATA chaaarr!!!.
_____
ANG nangyari sa restaurant nung gabing yon hindi na namin pinag usapan,para sakin wala lang yon 'tatanggapin ko kong anu man ang sasabihin niya sakin' yan ang gawain ng mga taong mapanghusga na hindi naman alam ang buong istorya. Ayos lang sa akin yon na sabihan niya ko ng kung ano basta huwag niya lang idadamay ang anak ko dahil ibang usapan na kapag involve na ang anak ko.
Pero ang akala ko titigil na siya sa pangugulo dahil hindi na ito nagpakita pagkatapos nun,hindi ko alam kong ano ang sinabi sa kanya ni Louie kong bakit ito nagLayLOw.
At ngayon ito na naman siya, hindi talaga ang babaeng ito titigil hangga't hindi makatikim ng mag asawang sampal o tadyak sakin.Araw ng binyag ng anak ko at ito siya umeeksena, nakasuot ito ng infinity dress at makapal ang kolorete saka may hawak na bote ng alak. Nagulat ang lahat nang bigla itong dumating halos lahat ng bisita na kilala sa larangan ng business world napaanga sa pagdating niya. Imbitado sila dahil na rin kay tito Ezekiel at sa mga kaibigan nito.
"I-kaw... ikaw na walanghiya ka haliparot inagaw mo sakin si Kiel, hindi ka naman maganda ang pangit mo nga..." sabi nito at tiningnan ako mula ulo pababa naniningkit na ang mata nito siguro umiyak o sa lasing lang siya, habang nakatingin sakin at tinuturo ako ng kamay na may hawak na bote. May umaawat na sa kanya pero winawaksi lang nito. "A-ano ba talaga gusto mo... pera? pwede kitang bigyan kahit magkano, yan lang naman ang habol mo sa kanya di ba?" malakas ang boses nito. "ANO BA BITIWAN MO NGA AKO ,..hindi pa ako tapos sa babaeng ito." hinampas nito ang lalaking umaawat sa kanya.
Mahigpit ang hawak ko sa anak ko,tumingin ako sa mga bisita ang iba sa akin ang tingin, nasa tabvi ko lang si Louie at nabigla lang din ito kaya hindi nakapagsalita o nakagalw agad,pati ang mga magulang nito.
"Pera lang naman ang habol mo! kaya ka nga nagtrabaho sa club.!!!" sigaw pa nito na nagpasinghap sa mga naroon,hawak na ito ng mga lalaki na hindi ko kilala. Parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa tingin ng mga bisita. "BAKA NGA ILANG LALAKI NA ANG UMANG---.." isang malakas na sampal ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita,pati ang mga bisita nagulat din. Biglang natahimik ang paligid na para bang bumagal ang galaw nito at lahat sila nakatingin doon sa gawi ng babae.
"HOW COULD YOU TO SAY THAT TO MY SISTER!! AT SINO KA PARA HUSGAHAN ANG PAGKATAO NIYA!!! LUMAYAS KA DITO BAGO PA DUMILIM ANG PANINGIN KO AT MAKALIMUTAN KONG TAO KA.!!" sabi nito at napaawang lang ang bibig ni Katherine habang nakatingin sa kapatid ko, Yes kapatid ko, siya ito ang walang sabing sumampal sa babae at nagpatigil. Mukhang nawala ang pagkalasing ng dalaga natauhan dahil sa malakas na pagkakasampal malayo man ito sa kinatatayuan ko pero kitang kita ko na namumula ang pisngi nito. "Insultuhin mo na ang lahat ng kakilala mo pero huwag na huwag ang kapatid ko, lalong lalo na huwag na huwag sa harapan ko, lumayas ka!!." tinuro pa nito ang daan palabas ng garden. Pero hindi sumunod ang babae ngayon lang ito natauhan,tumayo ito ng tuwid nanlilisik ang matang tumingin sa kapatid ko.
Binigay ko si Prince sa ama kong saan nakatayo parin. Wala ba itong balak awatin ang babae. "hawakan mo,." sabi ko kinuha naman agad hindi ko na hinintay na magsalita ito agad akong lumapit sa kapatid ko at hinawakan ang braso nito masyado nang agaw pansin ang eksena nila. "Ate pleasee tama na,.'' magmakawa ko dito nang hawakan ko siya,tumingin ako sa dalaga na medyo kalmado na. "kung may gusto kang sabihin huwag sa araw na ito mahalaga ang araw na ito para sa anak ko, kong gusto mo ng away pagbibigyan kita sabihin mo lang,pero hhuwag ngayon, umalis kana." mahinang sabi ko sapat lang na marinig niya saka tumalikod habang hila ang braso ng kakambal ko.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...