Magbasa lang, kung ayaw huwag nalang buksan.SALAMAT..
______
NAGLALAKAD na ko pauwe ginabi na ko dahil may pinagawa pa sakin ang professor ko. Lumingon ako sa likuran ko napansin ko kanina pa ko sinusundan ng dalawang lalaking ito kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa nakarating ako sa apartment. Grabeng kabang naramdaman ko,mabuti naman at hindi nila ako sinaktan 'baka nakasunod lang sakin' at pareho kaming uuwian. Napahinga ako ng malalim nang makapasok na ko ng apartment. Pinatong ko ang dala kong bag sa center table at ang dalawang librong inuwe ko dahil may aaralin pa ako.
Nagtungo ako ng kusina para uminom ng tubig dahil hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib sa takot sa dalawang lalaki kanina. Wala si Maricar dahil may bagong raket daw ito nagtext kanina baka gabihin ng uwe.
Napaigtad ako nang may kumatok sa pintuan,napatingin ako sa may pinto at ang kaba ko bumalik na naman 'sino kaya ito? kung si Maricar may susi naman yon bakit kakatok pa siya.' Nilapag ko ang basong pinag inuman ko sa lababo saka dahan dahang naglakad palapit sa pintuan. Kumatok ulit ng tatlong beses, nang hindi ko pa nabubuksan ang pinto nagulat na naman ako.
"S-sino yan?" tanong ko. Linabanan ko ang kabang nararamdaman nang hindi sumagot ang nasa labas. Kumatok na naman ito kahit nanginginig inabot ng kamay ko ang siradora pero hindi ko pa pinihit sa takot na baka masamang tao ang kumakatok. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at takot nang makitang gumagalaw ang knob. Walang doble lock ang pinto kaya pag nabuksan ang knob tiyak makakapasok sila. Wala akong ibang maisip na paraan at kinakain ng kaba ang dibdib ko, sa sobrang takot hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nanginginig ang buong katawan habang nakatingin sa doorknob na gumagalaw-galaw,bumuhos na rin ang luha ko napahawak ako sa may tiyan ko habang natutulala sa may gilid.
Sa isang iglap nabuksan ito at may pumasok na dalawang taong may takip sa mukha. Napako lang ako sa gilid kong saan ako nakatayo at umiiyak habang nakahawak sa tiyan.
"S-sino kayo? a-anong kailangan n-niyo?!" nanginginig kong tanong sa dalawa pero hindi ang mga ito nagsalita lumapit nalang sakin at hinawakan ako sa braso at hinila palabas. Nagpumiglas ako at sumisigaw para marinig ng kapitbahay pero agad nilang tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo na may kakaibang amoy bigla akong nahilo at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Nagising ako sa silid na hindi pamilyar sakin napabangon ako bigla nang maalala ang nangyari'nasaan ako?'ang huli kong naalala tinakpan nila ang ilong ko at nawalan ng malay napahawak ako sa tiyan sa takot na baka may nangyari sa baby ko nakahinga ako ng maluwag ng wala naman. Tumayo ako at dahan dahang humakbang patungong pinto malinis ang kwarto at tanging kama lang at isang maliit na lamesa sa gilid na pinapatungan ng lampshade. Nang makalapit sa pinto pipihitin ko na sana ito pero bigla itong bumukas at nanlaki ang mata ko sa taong bumukas at may hawak na tray ng pagkain.
"Gising ka na pala,kumain kana at pagkatapos mong kumain uuwi na tayo." nilampasan niya ako at deri-deritsong pumasok. Nagulat ako sa klase ng pagkakasabi niya. 'hindi ganyan ang boses niya pero bakit?' Nabuhay ang galit ko sa kanila ulit 'magbabait-baitan na naman ba siya?' sila ang may kagagawan nito ang pagkidnap sakin?
"So,.. kayo? kayo ang may pakana nito? talagang pinadukot niyo pa ako para lang mapauwe niyo!? bakit pa nga ba ako magtataka." sabi ko nang humarap sa kanya. tama nga ang ate na nandito sila sa maynila para hanapin ako. Simula nung tinawagan niya ako dobleng ingat ang ginawa ko para lang hindi nila makita,pero ito nandito na ko. Magtataka pa ba ako eh alam ko naman na gagawin talaga nila ang lahat maipakasal lang nila ako sa taong gusto nila. Tumaas ang sulok ng labi ko at naglakad palapit sa kanya.
Ilang buwan kong hindi sila nakita at nakasama pero walang pinagbago sa kanya nakikita pa rin ang pagiging mataray. Pero alam ko sa sarili na may tinatagong bait siya pero mas gusto niyang maging mataray at mapagmataas.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...