ONE

4.3K 137 19
                                    

UPDATE. Simula palang po ito. Pero kailangan ko pa rin matapos muna ang kay Attorney.. Sisingit ko lang ito.

______

"MOM! wala nga po akong maalala nagising akong masakit ang ulo ko." masama ang tingin sakin ng mommy ko talagang iniinterogate ako hanggang ngayon hindi pa ito naka move on sa nangyari sakin sa club.   "Iniwanan ako ng mga kaibigan ko sa club na yon ang huli kong naalala may umabot sakin ng alak kaya ininom ko." sabi ko habang inaayos ang longsleeve polo ko.

"Pinaimbestigahan ng tito Justine mo ang club na yon 'it's illegal' mga minor de edad ang pinapasok nila at pinipilit sa mga costumer ang mga babae kahit ayaw." sabat ni daddy bumaling ang tingin ko sa kanya. "ngayon pinasara na ang club at nasa kulungan ngayon ang may ari." dugtong nito. Lumapit si mommy at inayos ang kurbata ko pero masama pa rin ang tingin sakin.

Totoo naman na wala akong maalala masakit ang ulo ko nun at pinilit ang sariling magbihis. Pero bago akong lumabas  ng kwarto tumingin ako sa kama kong saan may mantsa ng dugo ibig sabihin may nakatalik ako nung gabing yon. Pero ang pera na nasa sidetable andun pa rin hindi kinuha ng kong sino man ang nakasiping ko ang wallet ko nakapatong lang sa table chineck ko pero wala naman nawala. Kahit lutang ako nung araw na yon pinilit ko pa rin umakyat ng stage dahil graduation namin.

"Alis na kami mommy." paalam ko sa mommy,pupunta kami ngayon sa kompanya para iTrain daw ako ni daddy dalawang buwan din akong nagpahinga pagkatapos ng graduation.

"Bye sweetheart huwag masyadong magpapagod ha." si daddy lumapit ito kay mommy at niyakap saka hinalikan sa labi. Hindi na ako nagugulat dahil ganyan talaga ang daddy namin,umiwas nalang ako at naglakad palabas.

"Daddy sasabay po ako sa inyo,ayaw ko pong mag drive sasabay ako kay KM mamaya pauwe." rinig kong sabi ng kapatid ko lilingunin ko sana ito pero nakalabas na siya at inaayos pa ang damit saka magulo ang buhok. "Hi kuya good morning." anito nangunot ang noo ko habang nakatingin dito.

"At talagang dito ka pa nag aayos niyan? wala bang suklay sa kwarto mo? tingnan mo tumutulo pa ang buhok mo  dahil basa pa!" saway ko sa kanya itinak-in na nito ang polo sa suot na skirt. umangat ang tingin sakin pagkatapos nitong maitak-in ang damit.

"Kuya naman nagmamadali ako sorry na po agad." sabat nito.

"Let's go..anak hindi ka ba nagpunas ng buhok? basa pa." pansin ni daddy saka ito nilapitan at sinuklay suklay ang buhok nito.

"Dad don't touch my hair." bigla itong napalayo sa ama namin nang suklayin nito ang buhok. Ayaw na ayaw kasi ni Zia na may humahawak sa buhok nito dahil daw baka masira. Napailing nalang ako at hindi na sila pinansin sumakay na ko sa sasakyan si daddy naman ang magdadrive.

Nang maihatid namin si Zia sa school nito dalawa nalang kami ni dad ang sa kotse patungong kompanya.

"Saan mo gusto ecelebrate ang birthday mo anak." basag ni daddy sa katahimikan namin. Tumingin ako sa kanya oo nga pala malapit na pala ang kaarawan ko hindi ko man lang naalala.

"Nothing  dad, basta kasama lang kayo okay na sakin yon." sagot ko, biglang nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa at tiningnan kong sino ang caller napabuntong hininga ako at tumingin muna kay daddy na nakatingin sa kalsada kinancel ko ang tawag ni Kath wala akong gana makipag usap sa kanya magbubunganga na naman yon. Ilang  segundo lang nagring ulit pero kinancel ko ulit kaya nagsalita na si daddy.

"Bakit di mo sinasagot sino ba yan.?"pagtatanong niya pero iling lang ang pinakita ko. I-noff ko nalang ang cellphone para walang istorbo. Naiirita na ako sa kanya hindi na matigil tigil ang pagbubunganga ano akala niya sakin papa-under sa kanya tssk hindi siya ang babaeng magpapasunod sakin .

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon