Thank you all and godbless.
Babyboy name para sa anak niya First comment yon ang kukunin ko Thank you.
______
"I like your eyes,you look away
when you pretend not to careI like the dimples on the corners
of the smile that you wearI like you more,the world may know
but don't be scared, cause I'm falling
deeper baby be prepared.I like your shirt I like your fingers,
love the way that you smell, to be your
favorite jacket, just so I could always be near.I loved you for so long, sometimes
it's hard to bear, But after all this
time, I hope you wait ang see.Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment.
Always and forever I know I can't quit you
cause baby you're the one I don't know how.Love you 'til the last of snow disappears
Love you 'til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you and now you know...."Habang nakaupo sa may gilid ng kama ko habang hawak ang gitara na binili sakin ng kapatid ko. Dahil wala akong mapaglilibangan dito sa kwarto. Dahil kahit radyo o TV wala ganun kahigpit ng pagtatago nila sakin dito, ayaw nilang malaman ko ang kaganapan sa labas ng bahay na ito.
Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakakalaghap pa ako ng hangin mula sa bintana kahit papano nakikita ko ang labas ng kwarto. Sa totoo lang sobrang naiinip na ko sa kalagayan ko, mas naaawa ako sa anak ko dahil naging ganito ang kalagayan niya/kalagayan ko.
Habang kinalabit ko ang string ng gitara siya ang nakikita ko,Hindi man kami gaano nagkalapit sapat na saakin ang naramdaman ang presensya niya,ang amoy at ang mukha niya. Dahil kahit wala man siya sa paningin ko lage naman siya nasa isip ko. Nakaukit sa isip ko ang mukha niya. Gusto ko siyang limutin dahil hindi tama na makaramdam ako ng ganito sa kanya. Pero sa tuwing ginagawa ko ang paglimot ay nakakaramdam ako ng pait sa dibdib. hindi naman niya malalaman na ganito ang nararamdam ko sa kanya kaya okay lang. sabi ko sa sarili.
Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdamang sumipa ang baby ko. Tinabi ko ang gitara at umupo ng maayos saka sumandal sa headboard ng kama ko. Sa tuwing naiisip ko ang binata at binabanggit ko ang pangalan niya gumagalaw naman ang anak ko. Sa tingin ko kilala niya ang ama niya. Hinimas ko ang gilid ng tiyan ko kung saan bumukol. "malapit kana lumabas baby sorry kong ang mundong kamulatan mo ay ganito,pero huwag kang mag alala sisiguraduhin kong hindi magiging ganito ang buhay mo." pakausap ko sa baby ko hindi man niya maintindihan okay lang, basta sisiguruhin kong magiging ligtas ka paglabas mo.
Simula nang nakakulong ako dito hindi na ko nakadalaw sa check-up pero hinihiling ko pa rin na sana maging ligtas ang baby ko. Walang check-up binibilang ko na lang kung ilang buwan na at araw. 'kung ako sobrang hirap hindi ko alam kong kailan o baka ano mang oras lalabas nalang siya.' Napahid ko ang luhang lumandas sa pisngi na hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang buong akala ko ang tapang ko na pero nagiging malambot ako pagdating sa anak ko. Mas gugustuhin kong maging ganito ang sitwasyon ko kesya mawala ang anghel na biniyaya sakin sa maling panahon. Hindi ako nagsisisi na dumating siya, buong puso ko siyang tinanggap kahit na nagawa siya nang hindi inaasahan.
Nabaling ang tingin ko sa may pinto nang tumunog ito at bumukas,napaiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa may bintana. Nabubuhay lang ang galit ko sa kanila sa tuwing nakikita ko sila. Hindi ko maramdaman na naging magulang sila sakin,hindi ko nakikita ang pagmamahal na sinasabi nila sakin. Dahil kong mahal talaga nila ako hindi nila ito gagawin sakin lalo na sa batang dinadala ko na magiging apo rin nila. Kung mahal talaga nila ako hahayaan nila ako sa gusto ko, hindi sa ganito na para bang ibang tao ako sa paningin nila.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...