TEN

2.9K 131 13
                                    

PRAying for all people in CAGAYAN and ISABELA Province. God is with US godbless all. Nakakaiyak makita na ganun ang nangyayari tanging panalangin nalang ang kaya nating ipaabot. 

_______

"Mr. SALAZAR sandali.!!" napatigil ako sa paghakbang nang may tumawag,siguradong ako yon dahil wala naman si daddy. Hindi na ko nagulat kong sino siya 'siya si Aurea Mae' kakambal ni Aurora. Siya ang nakaharap ko dati nung pumunta ako ng Cebu para siguraduhin na nandon ang dalaga. Pero ang sabi ng mga magulang nito ay wala at hindi nila alam kong saan nagpunta. Gusto kong maniwala sa sinabi nila pero nakikita ko sa mga mata ni Aurea na parang may gustong sabihin hindi lang nito masabi.

At pagkauwe ko galing Cebu sinabi ko sa sarili na hindi ko na siya hahanapin dahil wala naman kami. At hindi naman sigurado kong ako talaga ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero habang nililimot ko siya parati naman siya sa isip ko. Pumikit man ako imahe niya pa rin ang nakikita ko at pati sa panaginip nakikita ko siya. Ang hindi ko lang maintindihan kapag naaalala ko siya kakaibang pintig ng puso ang nararamdaman ko.

"Bakit may kailangan ka?" walang ekspresyon kong tanong nang makalapit na siya sakin. Noong pinagkamalan namin siyang siya si Micaella ang taray nito pero nung nakita ko siya ulit sa Cebu medyo umamo ang mukha lalo na sa harap ng mga magulang nito. Tumingin ito sa paligid at binalik ang tingin sakin.

"Gusto kitang makausap, sana mapagbigyan mo." anito. Ilang buwan na ang lumipas at natutunan kong kalimutan na ang dalaga pero ngayon kaharap ko na naman ang kamukha nito parang bumabalik ang umusbong na nararamdaman ko sa dalaga dati. Umiwas ako ng tingin nang nakipagtitigan siya sakin dahil si Micaella ang nakikita ko sa kanya. Ang mukha lang nito ang mataray tingnan,dahil lage kasing nakataas ang isang kilay at salubong na animo'y lageng may kaaway. Pero pagnagsalita na ito malambing din tulad ng kakambal.

"Okay." wala pa ring buhay na sagot ko. Niyaya ko siya sa cafe na kaharap ng kompanya. Tahimik naman itong sumunod hanggang makapasok kami ng café. Sa bandang gilid ito mismo umupo kaya sumunod ako. Nag order muna kami ng maiinom nang dumating ang order namin saka ito nagsalita .

"Ilang beses na kong nagbakasakaling abangan ka diyan sa kompanya niyo pero hindi kita nakikita. Sa tuwing magtatanong ako sa front desk lageng sinasabing kailangan ng appointment,pero hindi ako nakakakuha ng time sabi ng secretary mo puno ang schedule mo. At salamat ngayon nakita kita. " anito. Sumimsim muna ito ng coffee na inorder saka pinagpatuloy ang sasabihin tahimik lang akong nakikinig. May parte sa isip ko na kailangan kong pakinggan siya kong ano man ang sasabihin pero may parte din na nagsasabing sinasayang ko lang ang oras  sa kanya. "Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang sasabihin ko mr. Salazar, nahihiya pa rin ako sayo hanggang ngayon sa inasal ng magulang ko sayo nung pununta ka sa amin. Pero may gusto lang akong sabihin sayo, hindi ko na kasi kayang makita na ganun ang kakambal ko." mataman lang akong nakikinig sa sinasabi niya habang tumatagal parang naging interesado ako sa gusto niyang sabihin, hindi na din natigil ang dibdib ko ng kakaibang pagtibok kapag nababanggit nito ang kapatid. "pananagutan mo ba ang kapatid ko Mr. Salazar? alam kong hindi kayo naniniwala sa sinabi niya noon na ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya, pero ngayon hindi na siguro maitatanggi na ikaw talaga ang ama ng bata." may kinuha ito sa bag ang cellphone nito at may pinindot pindot at nang tumigil inabot niya sakin ang cellphone. Nag alinlangan man kinuha ko ito at tumingin sa screen.

Halos mabitawan ko ang cellphone nang tumambad sakin ang sarili ko ay hindi pala ang batang ako' pinakatitigan ko ito gusto kong magtanong kong saan niya nakuha ang picture ko na ganito pero nagsalita ulit ito.

"Nanganak na siya tatlong buwan na ang nakaraan, at yan ang anak niya. Kamukha mo di ba? maitatanggi mo pa rin ba na hindi ikaw ang ama?" hindi ako nakasagot mas pinakatitigan ko pa rin ang batang na nasa screen ng cellphone. Ang dibdib ko sobrang lakas ng kabog ito ba yong tinatawag na lukso ng dugo? kung ito man yon hindi ko maitatanggi na akin nga siya. Parang nakikita ko ang sarili sa kanya noong baby pa ako. Parang ako lang din noong panahong iniwan ako ng ina ko kay daddy nung bata ako. "Kahit hindi niyo siya pinaniwalaan dati gusto niya pa rin ipakita at ipakilala sayo ang anak niyo. Marami ng hirap ang pinagdaanan ni Aurora mr. Salazar pero kinaya niya pa rin para sa anak niya/ anak niyo." Kinuha na nito ang cellphone sakin at tumayo. Doon ko lang napansin na napaluha pala ako habang nakatingin sa picture ng bata. "Babalik na ko ng Cebu mamaya ito lang talaga ang sinadya ko, kung gusto mo talaga panagutan ang kapatid ko may pagkakataon ka pa, sa makalawa pa naman ang kasal niya,...mapipigilan mo pa...." inubos na muna nito ang kape at may pinatong na card sa table bago humakbang pero lumingon siya at nagsalita ulit. "Yan kong may nararamdaman ka din sa kanya.."

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon