TWENTY THREE

3.4K 124 18
                                    

MEDYO BORING ANG CHAPTER NA ITO PAGPASENSYAHAN NIYO NA kong matagal akong nag update.

HAPPY NEW YEAR SA INYO.

_______

"...ANU nga meron sa inyo ni Dean bakit lage ka niya kasama tapos, lage kaniyang binibisita sa opisina, ate huwag kang magsinungaling sakin." sabi ko pero humaba lang ang nguso nito at namumula ang mukha. Ilang beses k0 na siyang tinatanong kong ano nga ba meron sila ni DM bakit lage silang magkasama pero hindi niya sinasagot. Si DM anak nina tito Mikael at tita Kristelle, at ito na naman kami kapag tinatanong ko siya kung hindi walkout magagalit. "Ate ano? ano ka nga niya,?" pamimilit ko,pulang pula na ang mukha nito,  kinikilig,dahil ganyan na ganyan ako kay Louie,kambal kami kaya alam ko,kinokonfirm ko lang kong totoo.

"Wala nga,ano ka ba magkaibigan lang kami nun, bakit masama bang lage ko siya kasama? eh parehong kompanya ang pinapasukan namin." anito pero hindi makatingin sakin ng deritso. Isang kompanya,dahil sa kompanya ng mga Torres nagtatrabaho ngayon ang ate ako,hindi ko nga alam kong bakit yan ang trabahong kinuha niya samantalang teacher naman ang tinapos niya,at nakapasa ito sa bar exam,tapos ngayon secretary ito ni tito Mikael. 

"Sigurado ka? eh parang higit pa sa kaibigan ang nakikita ko.."

"Aurora tumigil ka na ha,! hindi porket maganda ang lovelife mo gaganyanin mo ako." putol nito sa sasabihin ko. Napangiti nalang ako,pero hindi pa rin ako tumigil gusto ko talaga malaman kong anong meron sila. Sa pagkakaalam ko kasi si Dean at ang anak ni tita Gabby, ayoko naman mag away away sila eh magkakaibigan kami nun. "Hindi ha! kaibigan lang niya si Jouie,(Jowey)." anito at nag iba ang awra nito nang mabanggit ang pangalan ng anak ni tita Gabby. Na parang nagseselos ito dahil nawala ang kislap ng mata nito.

Kaya hindi na ako ulit nangulit,kung ano man ang meron sila hayaan ko nalang, dahil alam kong masaya ang kapatid ko. Nang umuwe na siya inasikaso ko na rin ang mga gagawin,sa ilang buwan matapos akong grumaduate dumito muna ako sa bahay, at kasama ang anak ko, speaking sa anak ko wala siya dito ngayon dahil hiniram na naman ito ng lola niya. Yes naisipan na namin bumukod although hindi pa kami kasal pero nagsasama na kami. At may basbas yon ng mga magulang ni Louie,sa magulang ko naman ganun din.

Ilang buwan matapos ang graduation ko sila na mismo ang pumunta sa akin,akala ko pipilitin ulit nila akong isama pauwe pero hindi, humingi sila ng tawad sa akin sa mga kasalanang nagawa, ako bilang anak napatawad ko na din sila. Kahit paano sila pa rin ang magulang ko. Ngayon nasa kulungan ang mga ito dahil sa kasong sinampa ng pamilya Agustin. Naging okay na rin kami ng magulang ko at pinagbabayaran na nila ang kasalanang nagawa.

Naligo muna ako bago sinimulang ayusin ang bahay,housewife na ang role ko sa bahay na ito' feeling ko nga hindi ko nagamit ang pinag aralan ko dahil trabahong bahay pa rin ang bagsak ko. Pero hindi ko pinagsisisihan yon,masaya ako sa buhay ko ngayon kasama ang anak namin. Minsan ako na rin gumagawa ng ibang gawain ni Louie sa opisina kapag inuuwe nito ang trabaho sa bahay. Business Management yon ang kursong tinapos ko. I'm not a degree holder hindi ako ganun katalino,sakto lang. Gusto ko nga muna magtrabaho sa kompanya nila tito Ezekiel para kahit papano may kita. Ayoko namang umasa lang kay Louie.

Pagkatapos ng lahat ng gawaing bahay,kailangan ko pang pumunta sa mansyon para sunduin ang anak ko. Sobrang bilis ng panahon hindi ko akalain na magiging ganito na ang buhay ko. Sinubok man ako ng panahon noon marami mang sakit ang napagdaanan ko at ng anak ko nagpapasalamat pa rin ako dahil naging matatag pa rin kami na harapin ang bawat sakit at pagsubok na naranasan namin noon. Hindi na ako ang dating Aurora na natatakot sa bawat pagsubok na darating dahil may Prince at Louie na akong kasama na harapin ang bawat dagok ng buhay.

Napangiti ako nang mabanggit ko ang pangalan ng dalawang tao na mahalaga sa buhay ko. Sila talaga ang lakas ko sa bawat araw,makita ko lang silang masaya napupuno na rin ng kasiyahan ang puso ko.

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon