KUNG BITIN O MAIKSI MAN PASENSYA NA SA UPDATE.
________
"PASOK ka gising pa si Prince kagigising niya lang eh.'' sabi ko sa kanya pagbukas ko ng pinto. Siguro kakauwe niya lang galing opisina,nagtampo na naman si tita Michelle dahil hindi na naman ito nakasabay sa hapunan. Minsan napapaisip ako kong sa opisina lang ba talaga siya o kasama niya ang kasintahan,sa isang linggo mahigit ko dito hindi ko naman nakikita ang babae na kasama nitong umuwe. selos ka na naman! singit ng kabilang isip ko.
Pumasok na ito nang luwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Pag gabi na ito umuuwe kumakatok siya sa kwarto para sa anak,pero kapag hindi ko nabuksan ang pinto kusa nalang ito pumapasok dahil minsan nakakatulog na ako. Napapikit ako nang maamoy ko ang mabango nitong pabango na nanuot sa ilong ko. huwag kang papahalata heart kalma ka lang' saway ko sa naghuhurumentado na naman na puso ko. Sinara ko ang pinto at lumapit sa side table para kunin ang baby bottle na tinitimplahan ko kanina ng gatas bago ito kumatok. Feeling ko bawat galaw ko nakasunod ang mata niya sakin kaya maingat ang bawat kilos ko. Sabayan pa ng sobrang kabog ng puso ko ano ka ba naman heart kumalma ka nga huwag kang ganyan ipapahamak mo ko sa kanya remember may kasintahan siya'
''Oh.'' abot ko sa kanya ng baby bottles pagkatapos kong ishake. Akala ko kukunin na nito ang baby bottles pero ang nagpalaki ng mata ko ay ng hawakan niya ang kamay ko, nahigit ko ang sariling hininga ng makaramdam ng kakaibang init sa kamay at dumaloy patungo sa buong sistema ko. Hindi agad ako makagalaw nanatili akong nakatingin ang kamay niyang hawak ang kamay ko. Uminit ang buong mukha ko at siguradong namumula na ang pisngi ko.
''I like you Aurora, ewan ko kung kailan nagsimula pero yon ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko na kayang magkunwari sa tuwing nakikita kita parang sasabog ako.'' nakatitig lang ako sa kanya hindi ko alam pero ang mga katagang binitiwan niya pilit na pinoproseso sa utak ko. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko halos marinig na niya ang pagtibok nito. Hindi pa rin ako umimik nanatili akong nakatitig sa kanya. ''Aurora o-okay ka lang ba? ang pula ng mukha mo." anito. Pero imbes na sumagot inagaw ko ang kamay kong hawak niya at pinatong ang baby bottles sa kama at patakbong pumasok sa banyo.
Pagkapasok sa banyo pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan . Napadausdos ako ng upo sa likod ng nakasarang pinto at hinilamos ng palad ang mukha ko, na alam kong namumula talaga ito dahil ang init ng pakiramdam ko.
'I like you Aurora"
"I like you Aurora"
Makailang ulit pa ang mga katagang yon sa isip ko,sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko namimingi na ako at ang mga salitang yon ang paulit ulit sa isipan ko.
"Totoo ba yon? tama ba pagkarinig ko g-gusto niya ako?" pagkaussap ko sa sarili. Tumayo ako at nagtungo sa lababo tinugod ko ang dalawang kamay sa lababo at humarap sa salamin, parang kamatis na sa pula ang pisngi ko "Ito ang epekto niya sakin,hindi maitatago ng pamumula ko ang totoong nararamdam ko sa kanya," hinilamos ko na naman ng palad ang mukha 'pero hindi ito tama may kasintahan siya' singit ng kabilang isip ko,. Napahawak ako sa dibdib ko kong saan ang puso ko na gusto ng lumabas sa ribcage nito sa sobrang lakas ng kabog.
Ilang minuto akong nanatili sa banyo nang kumalma ng kunti ang dibdib ko naghilamos ako ng tubig pinakatitigan ko ang sarili sa salamin hindi na ito namumula tulad kanina. Pumikit ako at huminga ng malalim saka dumilat at tiningnan ang sarili.
"Hooo kalma Aurora isipin mo nalang hindi mo narinig ang sinabi niya okay." paalala ko sa sarili, huminga pa ulit ako ng malalim bago lumabas ng banyo. Pero nang makalabas na ako bumalik na naman ang kalabog ng puso ko nang makita siyang karga ang anak namin at sinasayaw nito na pinapatulog. Pinaalalahanan ko ulit ang sarili na kumalma. "l-lagay mo na siya sa crib m-matutulog na lang yan m-mamaya." sabi ko pero hindi ako tumingin sa gawi niya ayokong magsalubong na naman ang mga tingin naman baka hindi ko na yon kakayanin at bigla nalang sumabong ako sa kilig.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...