SUPER LATE UPDATE, BUSY LANG THANK YOU..
________
FOUR YEARS LATER....
"CONGRATULATION sister.!!" malakas na bati sakin ni Zia 'sister' talaga tawag niya sakin. Nakangiti akong bumaba sa stage habang itinataas ang diploma. Ang apat na taon kong pinaghirapan nagbunga narin. Hindi maalis ang ngiti ko sa labi habang papunta kong saan ang mga taong kinilala kong pamilya sa loob ng apat na taon.
"Congrats sissy..!" ang kambal ko ang unang lumapit sakin at niyakap akong mahigpit,siya kasi ang nasa malapit sa hagdan. Umiinit na naman ang mata ko dahil sa sobrang saya naiiyak na naman ako, walang pagsidlan ang kasiyahan ko ngayong araw.
Pagkalapit ko sa kanila isa isa nila akong niyakap at binati,nakikita ang saya sa mukha din nila. Syempre hindi mawawala ang dalawang taong nagpapasaya sakin at kasama ko sa pagtupad ng pangarap ko. Ang buhay at ang kaligayahan ko. Lumapit ako sa kanila at mahigpit na yumakap.
"𝘾𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙨 mama.." bati ng prinsipe namin. Binuhat ko siya at pinupog ng halik. Naluluha at walang katapusang pagpapasalamat ko sa kanila.
"Congrats babe, sabi ko naman sayo kaya mo, nandito lang kami." bina ba ko ang anak ko at humarap sa kanya. Pinusan nito ang luhang nalaglag sa pisngi ko.
"Thank you dahil nandiyan ka din para sa akin, nandiyan ka para maabot ko ang pangarap ko,pangarap natin." naiiyak kong sabi, hinawakan nito ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko,saka sa labi na tinugon ko naman. Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid namin,basta masaya ako. Kong hindi pa magsalita ang mga kasama namin hindi sana mapuputol ang halikan namin. "Maraming salamat po sa inyo,salamat po sa pagdalo." nakangiti kong pasasalamat ulit,pero may lungkot din akong naramdaman,ginala ko ang mata sa paligid nagbabakasakaling makita ang gusto kong makita pero wala.
Sa loob ng apat na taon,nagpapasalamat ako dahil nandiyan ang pamilyang Salazar,nandiyan sila para sakin at pinaramdam nila sakin ang magkaroon ng masayang pamilya. Sa kanila ko naramdaman ang totoong pagtanggap. Pero hindi naaalis ang pag aalala ko sa totoong magulang ko,mula nang kunin ako ni Louie sa kanila wala akong narinig na kahit ano sa kanila kahit na kumustahin ako. Kahit na lage ko nang nakakausap si Aurea pero ni minsan wala akong naririnig sa kanila.
Araw araw ko din sila kinukumusta sa kapatid ko,kahit na sinabi ko noon na kinamumuhian ko sila,magulang ko pa rin sila at nag aalala pa rin ako kahit na ganun ang ginawa nila sakin. At talagang kinalimutan nila ako,masakit din para sakin pero binalewala ko kung yon ang gusto nila. Napatawad ko na rin sila sa mga ginawa nila sakin kahit hindi pa sila humingi ng tawad. Akala ko totoo ang kasabihang 'walang magulang ang natitiis ang anak' pero sa sitwasyon namin ng magulang ko,kaya nilang tiisin ako.
Sa loob ng apat na taon,ginugol ko ang sarili ko sa pag aaral dahil gusto kong makapagtapos at masuklian ang mga taong tumulong sakin. Sa apat na taon na iyon hindi mawawala ang hirap,lalo na may anak akong inaalagaan. Laking pasalamat ko dahil nandiyan si mommy Michelle na handang gabayan at tulungan ako. Simula nang pumasok na ako sa eskwelahan at naiiwan ko ang anak ko sa kaniya. Ang hirap ifucos ang isip sa pag aaral kapag lageng iniisip ang anak. Although alam kong hindi siya pababayaan ni mommy Mitch,dumadating sa puntong gusto ko nalang sumuko,pero paano ang anak ko kong susuko ako.?
Sa relasyon naman namin ni Louie umaabot sa puntong nag aaway na kami sa walang kwentang bagay. Na kahit siya ang mali ako nalang umuunawa, iniisip ko lage ang anak namin kailangan niya ng buong pamilya. Ang pamilya na hindi ko naranasan sa mga magulang ko, ayokong lumaki siya na nakikitang ganito kami ng ama niya. At syempre hindi mawawala ang gabay ni mommy Michelle,sa kanya ko natutunan na maging matatag at mapang unawa. Iniisip ko palang sukuan siya parang nadudurog na ang puso ko,hindi ko nakikita ang sariling magkaroon ng ibang lalaki maliban sa kanya.'siya lang sapat na' nyak cheesy'
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...