HAPPY READING GODBLESS YOU ALL..
______
KINAGABIHAN nahiya akong bumaba para sa dinner dahil tiyak akong nandiyan na ang mga bisita nila tita Michelle at baka nandiyan parin ang babae. Louie said wala na sila ng babae matagal na pero bakit noon nakita ko sila magkasama ung nag dinner din dito sa bahay.
Hindi pa rin naalis sa isip ko ang mga salitang sinabi niya sakin kanina. he loves me ,ayaw ko man paniwalaan pero sigaw ng puso ko ay dapat paniwalaan. Pareho kaming nararamdaman, simula nung umalis ako at kinuha ako ng magulang ko doon ko narealize na mahalaga siya sakin,hindi dahil may anak kami,kundi dahil yon din ang nararamdaman ko sa kanya.
Magmula pa kanina hindi pa nila binabalik ang anak ko,gusto ko sanang bumaba kaso pinapangunahan ako ng hiya. Kaya natulog na lang ako kanina akala ko paggising ay nandito na ang anak ko pero wala pa rin. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone balak ko sanang itext si Louie para tanungin si baby Prince pero nagdadalawang isip pa rin ako. Hindi ko alam kong ilang minuto na kong pabalik balik ng lakad sa loob ng kwarto. Paminsan minsan tumitingin akonsa cellphone baka magtext siya pero wala. Napabuga ako ng hangin saka umupo sa gilid ng kama at pinatong ang cellphone sa sidetable.
bumaba na kaya ako? huwag ka dapat mahiya Aurora sanayin mo ang sarili sa paligid mo dito, isipin mong tanggap ka ng pamilyang ito, tanggap ka.' sabi ko sa sarili.
Bumuntong hininga ako saka tumayo at pumasok ng banyo para ayusin ag sarili, ''tama hindi ko dapat ikahiya ang sarili ko kong dito man ako,tanggap ako nila at mahal nila ang apo nila at mahal ako ng anak nila" napangiti ako sa huling nasabi. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga salitang nabanggit niya 'mahal niya ako' yon ang lage kong isipin.
Isang tingin pa sa salamin para makasiguro na maayos na ang ayos ko. Ang payat ko na mukhang bumabalik ang dating katawan ko nung hindi pa ako nabuntis.Tumagilid ako para tingnan ang likuran ko,kahit papano may umbok pa naman ang pwet ko. Hindi naman ako naglagay ng kahit na ano sa mukha,liptint lang para kahit paano magkaroon ng kulay ang labi ko dahil parang lageng namumutla.
Pagkalabas ko ng banyo nagulat ako nang nabungaran ko si tita Michelle, ang ganda nito sa suot na dress na kulay pula abot hanggang tuhod. Napalingon siya nang masara ko ang pinto ng banyo, nakapaskil agad ang ngiti nito sa labi nang makita ako.
"Kanina ka pa namin hinihintay na bumaba, okay ka lang ba?" may pag aalala sa mukha nito. Ngumiti ako sa kanya.
"Sorry po tita nakatulog po ako kanina, tsaka nag ayos na po ako para bumaba na rin, pasensya na po kung naghintay kayo." naglakad ako papalapit sa kanya para magbeso at binati narin. "Happy birthday po." ngumiti siya sakin saka inipit ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko. Feeling ko tuloy napaka espesyal ako sa buhay nila.
"No worries iha it's okay, and thank you sa pagbati, halika na. Inutusan ko si Zia na tawagin ka kanina kaso busy din sa mga kaibigan." anito at iginiya na ko palabas ng kwarto. "huwag kang mag alala wala naman kakain sayo sa baba...baka nga ang anak ko lang kakain sayo..joke!! pinapatawa lang kita." dagdag nito nang mapansing napatigil ako sa paghakbang at napalaki ang mga mata nang sabihin niya yon. Pakiramdam ko tuloy nag uumpisa na namang uminit ang mukha ko dahil parang iba ang kain na naisip ko sa sinabi niya. ang dumi ng utak mo Aurora, masyado bang halata ang kinikilos ko na kinakabahan ako? "Ano ba itong pinagsasabi ko... sorry iha nahawaan na ko sa mga kumare kong mahahalay ang mga bibig.." tawa pa nito, dinaan ko nalang sa ngiti ang naramdamang hiya. Nagpatuloy kami sa paglakad sa hallway patungong hagdan malayo pa man rinig na rinig na ang mga boses sa baba.
Sobrang bait talaga ng ginang biro mo yon siya ang may kaarawan ngayon pero nagawa pa niyang sunduin ako sa taas at naghintay pa talaga sila, ganun ba ako ka espesyal sa pamilya nila. Nakaramdam ng tuwa ang puso ko sa isiping mahalaga ako sa kanila pati ang baby ko. Ang mga bata lang nandito sa sala sila ang naabutan ko agad sa crib ang mga tingin ko baka nandun ang anak ko pero wala ito doon.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...