FOUR

3K 138 27
                                    

Pasensya na kayo mga dzai NAWALA po kasi yong Series Six (kwento ni Attorney Jemuel) kaya nawalan na ko ng gana magsulat. Kung mawawala din naman ang pinaghirapan kong gawa.

_____

MAAGA akong nagising dahil uuwe pa ko  sa apartment para magbihis dahil may klase ako ngayon. Ano na naman kaya ang idadahilan ko sa dalawang teror prof ko dahil hindi ako nakapasok sa subject ng mga ito. Hindi ko rin natawagan si Maricar at hindi ko nasagot mga tawag at text nito kagabi. Inayos ko muna ang hinigaan ko saka naligo at sinuot ko ulit ang suot ko kahapon dahil wala naman akong dalang damit pati panty inulit ko din. kesa naman walang suot na panty hindi ako sanay.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto medyo may kadiliman pa sa labas dahil alas singko y'medya pa lang. Pinilit ko talagang gumising nang maaga dahil uuwe ako ng apartment. Wala pang gising sa bahay na ito dahil wala pang bukas na ilaw madilim pa ang kabuuan ng bahay. Walang ingay ang paglalakad ko sa takot na baka may makarinig,maingat din ang pagbaba ko sa hagdan,nakakalula talaga ang bahay ng mga ito. ito ang bahay na nakasanay ko hanggang nagdalaga ako pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang pagsisisi na nilisan ko ang marangyang buhay at nagtitiis sa buhay na meron ako ngayon.

Mas gustuhin ko pang tumira sa barong barong kesa sa mansyon. At mas gusto ko paghirapan ang mga salaping gagastusin ko kesa umasa sa kanila.

Mula nang magkaisip kami ng kakambal ko mas nadadagdagan ang curiosity sa sarili ko kong ano ba talaga ang hanapbuhay ng mga magulang ko. At balak pa nila akong ipakasal sa anak ng kumpare nila, ilang beses na rin namin sila tinatanong sa bagay na iyon pero tikom lang ang bibig nila. wala naman kaming kompanya para asikasuhin nila. Pero halos araw araw silang umaalis ng mama sa bahay noong bata pa kami ng ate ko. Lahat ng karangyaan na meron kami ngayon hindi ko alam kong saan nanggaling. Ayokong isipin na masamang tao ang magulang ko,dahil kahit papano magulang ko sila. ayokong pag isipan sila,hanggat hindi nila ako pinapakialaman sa buhay ko ngayon hindi ko din sila pakikialaman.

Nang makababa na ako Napabuntong hininga at napatapik ako sa noo nang makitang kakaiba ang lock sa main door at hindi ko alam kong paano buksan. Inikot ko ang  paningin sa paligid para humanap ng malalabasan kailangan ko na talagang umuwe hindi ko alam kong ano oras magigising ang mga tao dito. Naglakad ako sa nakitang kong sliding glass door at sinubukan kong buksan nakalock ito pero nabuksan ko din naman. Nakahinga ako ng maluwang ng nabuksan ko ito,bumalik ako sa sala at may nakita akong papel at ballpen sinulat ko nalang na umalis na ako. hindi ko na sila mahintay na magising.

Mabuti nalang marunong akong magbukas ng gate at hindi naman ito nakalock. Masyadong mahigpit ang subdivisions na ito tiyak walang masamang taong makakapasok dito kahit hindi maglock ang mga tao dito. Tumingin ako sa relong nasa bisig ko mag aalas sais na pala binilisan ko ang paglalakad patungong gate ng subdivision, pinalabas din ako ng gwardiya nginitian ko nalang sila. Naglakad pa ko hanggang nakarating ako sa aabangan ng mga sasakyan may jeep naman na dadaan kaya pinara ko ito.

"Gag*ng bakla  saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwe? akala ko natokhang kana!!" yon agad ang bumungad sakin pagkabukas niya ng pintuan. Hindi ko siya pinansin nagtuloy ako sa kwarto pero sumunod pa ito. "Bakla alam mo bang galit na galit sayo si Mr. Gonzaga dahil hindi ka pumasok sa subject niya kahapon? naku naku baks mukha mababanlawan ka na ni Mr. Gonzaga ano na naman kaya ipapa-..." hindi niya natuloy ang sasabihin nang batuhin ko siya ng hinubad kong panty napatalon ito nang tumama sa mukha niya natigil din sa kakadakdak . "Eeewwww gaga kang bakla ang baho eeeewwww.." pandidiri nito nang makita kong ano ang tinapon ko sa kanya.

"Ang aga ang ingay ingay mo yan ba talaga ang ipapaalmusal mo sakin?" nagbihis ako ng bagong damit saka nilagay ang mga books na gagamitin ngayong araw na subject at tinalikuran siya. Pero sumunod naman ito.

I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon