HINDI MAGANDA PERO SIGE LANG.. SALAMAT.
______
NAGISING AKO sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko,dahan dahan kong minulat ang mga mata dahil sa silaw ng sikat na sumisilip sa bukas na bintana. Ginala ko ang paningin sa paligid at napatingin sa crib wala na doon ang anak ko baka kinuha na ng ama at binaba na ito. Biglang pumasok sa isip ko ang panget na panaginip na parang totoong nangyari. Agad akong sumilip sa katawan ko na natatakpan ng kumot nakahinga ako ng maluwag nang makitang ayos naman ang suot ko.
Akmang babangon na ko ng makaramdam ng sakit sa bandang baba ko,inalis ko ang kumot habang nakatingin sa paanan ko dahil masakit pag ginagalaw ko ang binti. Ngayon ko napagtanto na hindi pala panaginip ang nangyari sa amin ni Louie,at totoong may nangyari na sa amin. Mariin kong kinagat ang ibabang labi nang maramdaman ulit ang sakit. Hindi naman ako berhin na pero bakit?.... binalewala ko ang iniisip saka maingat na gumalaw at tumayo patungong banyo. Kahit paika ika tiniis ko nalang dahil puputok na ang pantog ko sa ihi.
Pero malakas akong napasigaw ng sumirit ang hapdi at sakit nang umihi ako,bigla kong napigil ang pag ihi at naiiyak sa sobrang hapdi at sakit. ano ba to bakit ang sakit hindi naman ako virgin pero bakit ganito parang firsttime' pabuga buga ako ng hangin at maingat na umihi pa rin dahil hindi ko na talaga kaya ang ihi ko. Maluha luha at mariin ang kagat sa ibabang labi at tiniis ang sakit. Halos manghina ako napasandal ako sa takip ng basin at huminga ng malalim.
Ilangg segundo akong nakaupo sa basin hanggang medyo natanggal ang sakit,nagtungo ako sa shower room at hinubad ang lahat ng suot ko at pumailalim sa malamig na buhos ng tubig. HIndi ako pwedeng paika ikang lumakad baka mahalata nila, 'sa tingin mo hindi nila malalaman eh sa lakas ng ungol mo kagabi?' napahilamos ako sa mukha nang maalala na malakas pala talaga ang boses ko kagabi, shit baka narinig nila ano nalang mukha ihaharap ko sa kanila tita' isip ko. Habang naliligo yon ang laman ng isip ko hanggang sa natapos ako at nakapagbihis na.
"Lord patawarin niyo po ako hindi ko na po kasi napigilan kagabi, please sana walang nakarinig." panalangin ko habang inaayos ang higaan. Bitbit ang lagayan ng mga baby bottles tinatambol ang dibdib ko sa kaba at paulit ulit na sinasabi na sana walang nakarinig. Hind pa ako nakababa rinig ko na ang mga boses sa baba siguro nilalaro nila ang anak ko. Sabado ngayon at walang pasok sa school sila Zia . siya kaya pumasok na? tanong ko sa isip. Sana oo para hindi ko na siya makita ngayon wala akong mukhang ihaharap sa kanya sa kahihiyan. Ilang buwan palang naging kami pero ito bumigay na agad 'ang landi mo talaga Auring' nanginginig ang tuhod ko habang pababa ng hagdan.
"Kuya si ate Au po.?" rinig kong boses ni Graceshelle 'so nandito pa siya? hindi siya pumasok? alas nueve na bakit dito pa siya?
"Sa kwarto niya baka tulog pa,napagod kagabi." halos mahulog ako sa hagdan sa narinig kong kasagutan mula sa kanya,buti nalang napahawak ako sa hawakan ng hagdan. Feeling ko nag iinit na naman ang mukha ko dahil ibang pagod ang pumasok sa isip ko. 'pagod sa kakasigaw sa sarap' singit ng kabilang isip ko. Tumigil ako sa kalagitnaan ng hagdan para pakalmahin ang sarili dahil pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko.
Pumikit ako at piping nanalangin at huminga ng malalim saka dumilat, pero pagdilat ko nanlaki ang mga mata ko nang mukha niya ang nadilatan ko. Hindi ko man lang napansin ang pag akyat nito at nasa harapan ko na siya.
"Anong ginagawa mo babe? ayos ka lang? may masakit ba sayo.?" sunod sunod na tanong niya,pero hindi ako nakasagot agad dahil sa pagkagulat nakatitig lang ako sa kanya. Uminit ang mukha ko at sigurado akong namumula na ko, 'seryoso siya tinatanong niya ako kong may masakit sakin? natural meron, sa laki mo pa naman' dahil sa naisip mas lalo ata akong namula kasi sobrang init na nang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU
Short StoryLOUIE KIEL SALAZAR Louie he have a girlfriend name Katherine ,pero ang pagkagusto niya dito ay hindi pa sapat para sa kanya parang may hinahanap pa ito. Yong akala nito kaya niyang mahalin ang kasintahan pero sa puso niya parang may kulang at hinaha...