꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕸𝖆𝖐𝖊 𝖆 𝖂𝖎𝖘𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕭𝖑𝖔𝖜 𝖙𝖍𝖊 𝕮𝖆𝖓𝖉𝖑𝖊!
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂"Okay, i-assume natin na ang principal amount ay one-thousand pesos."
Isinulat ni sir sa glass board ang mga letrang hindi makita-kita. Pinanliitan ko pa nga iyon ng mata. Nasa pinakalikod at pinakagilid kasi ang aking silya at lamesa. Kung makikipagpalitan pa ako ay nakahihiya. Sinugod ng aking daliri ang balikat ng katabi kong binata.
Sumitsit 'akesh'. "Pakopya ng notes." Pabebe akong tumawa bago niya mailapit sa akin ang kaniyang notebook.
Naomi-Singer
Principal Amount = P1,000
Time =
Rate =I = prt
"Tapos ang time kunwari, eight. Ta's iyong rate, zero point zero two or two percent!" Isinulat niya iyon sa board. "Ang formula ng compound interest ay A is equal to principal amount times one plus rate over—"
"Sir, pan-simple interest po iyong given—"
Babagsak sana ang mata ko nang nag-gong ang electric bell.
"Class dismissed. We will recall all of this next meeting," anunsiyo ni Sir Business Mathematics.
Sinuklay ko ang aking buhok at naunang tumayo para makapagdasal na!
Amen.
Inayos namin ang sariling kagamitan. Matapos niyon, hinintay ko si Wilson, isa sa mga ex-best friend ni Bella na kaibigan ko na! Syempre, dapat curious ako sa mga connection ng demonyang iyon!
Pinagmasdan ko ang hinintay ko. Humalukipkip ako dahil ang bagal niyang maglagay ng notebook! "Bilisan mo na riyang mag-ayos, Wilson. May kailangan pa tayong sundan. Alam mo namang maagang umuwi iyon," bulong ko kasabay ng pagkurba ng kaniyang postura.
Wilson was a nerd. Since my friend blended in the nerd's ecosphere, most people would stereotype him as a bookworm. Just like any other nerds, he was wearing eyeglasses with a slightly faded checkered waistcoat.
His stares conveyed boredom. Of course, nakabo-bored para sa akin ang subject na Math. Pero that was our work, e—to handle an extensive business!
One thing that made him distinctive was his rare eyes. Sa pagka-green niyon akala ko ay alien na siya!
Walang katigitigidig ang kaniyang balat. Naihalintulad ko ang kaputiang iyon sa balat ng isang diwata—sa diwatang nangangalang Ravier.
Chour!
"Naomi, punta tayo labas." Nagising ang diwa ko sa walang kaemo-emosyong tawag ni Wilson.
Ngumiti ako. "Sige, labas tayo. Punta tayo Selena bahay niya," panggagaya ko sa kaniya sabay turo sa pinto gamit ang hinlalaki.
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
JugendliteraturIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...