⇠┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅⇢
TITLE: FREEDOM
⇠┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅⇢
III 9:00 PM Kaarawan na ng pinakamagandang dalaga sa balat ng lupa.
"Musa, bakit kaya dalawang buwan ang nakikita ko sa kalangitan bigla? Ako ba'y namamalik-mata? Nakakaalarma, a!" tanong ni Mia, isa sa mga inimbita sa ikalabing-walong kaarawan ni Naomi Evangelista.
Si Mia ay labinsiyam na taong gulang na nakasuot ng kulay rosas na bestida. Sopistikada iyong nagningning hanggang sa ibaba ng kaniyang hita. Ang ka-partner niyang nangangalang Musa, nakasuot ng itim na suit na talagang nagpakisig sa kaniyang hitsura.
Sa trapikong dala ng mga van ng Toyota, halos naging abala ang mga kalsada. Mapakikinggan ang sunod-sunod na busina. Kalalabas pa lang nina Mia sa kotse nila nang mapansin ang kalangitang kakaiba. Bakas ang balisa sa kanilang mga mukha. Ang mas nakapaninindig-balahibo pa, malalakas na hampas ng hangin ang umihip sa atmospera. Tila sapat na para malayang maglagas ang mga dahon ng narra.
"Heto nga ay isang nakababahalang phenomena. Pero ayon sa mga paniniwala, kung may dalawang buwang nagpakita—" Natigilan si Musa sa isang ideyang higit pa sa simpleng inaakala. "May delubyong mananalasa."
"Huwag naman sana." Napakawak si Mia sa nakakikilabot na balita. Wala naman sigurong handa pagdating sa delubyong nakapipinsala. Isang delubyong hinihinalang magbubura sa mga mortal na katulad niya!
"Mia, ayos ka lang ba?" Inalalayan ni Musa ang halos matisod niyang kasama.
"Sana ay hindi mangyari iyong napanaginipan ko kanina," hingal na hingal na aniya, mababakas pa rin ang pag-aalala. "Napansin ko ring maraming mga isda, insekto at kung anu-ano pang hayop ang nagsilabasan sa lawa. Kilala kita, Musa. Madalas tama ang iyong mga hula. Pero promise me na mapanatag mo muna ang loob kong pakaba-kaba, lalo na't birthday ng amo kong si Naomi Evangelista."
Inilahad ni Musa ang bisig niya kay Mia. "Halika na at pumasok sa venue, aking prinsesa," nakangiting aniya.
"Hay na'ko, ha! Para kang bata."
Inalalayan ng maginoong binata ang dalaga hanggang sa makahanap na sila ng bakanteng silya.
Marami nang tao sa loob ng clubhouse na matatagpuan sa isang bigating villa. Bukod sa dalawang buwan sa kalangitan, ang clubhouse ang pinakamaliwanag na entidad sa gitna ng gabing may kadiliman.
Tulad ng sa GMA Gala, pakislap-kislap na mga kamara at dambuhalang mga aranya ang sasalubong sa bukana. Isa-isa silang rumampa sa karpet na pula. Mga respetadong bisita ang inimbita ng prominenteng kompaniyang Voyena at Nondria. Kasama na roon ang mga maimpluwensiyang opisyal at naggagandahang artista.
Ang pagsasalo at labis na karangyaan ay nagsanib-puwersa. Samantalang ang ibang pamilya, isang kahig at isang tuka.
Si Naomi Evangelista ang pinakamainit na paksa, the talk of the town ika nga.
Inside the glorious halls, massive draperies hang on the wooden dome, wrapping the room in lavish banquet. A royal dance floor, scattered with roses, invited guests to swirl and twirl like petals in the festive zephyr of the celebration.
At the heart of that event, an immense television radiated the dazzling words 'Naomi turns 18', infusing excitement to the guests. Beside the stage, a towering cake proudly stood topped with roses and chiffon. The combination of blue stage lights and pink sparkling curtains provided a tapestry of elegance.
Last but not the least, a birthday would not be complete without music. A group of musicians played the strings of their violins, sending an melismatic tune that lured charming guests donned in their exquisite gowns and tailored suits.
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
Teen FictionIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...