꧁𝟏𝟓.𝟒⢾░▒

59 5 19
                                    

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕯𝖎𝖆𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊 𝖘𝖆 𝕴𝖑𝖔𝖌!

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕯𝖎𝖆𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊 𝖘𝖆 𝕴𝖑𝖔𝖌!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂ Nagtipon ang poot sa nakakuyom kong kamao! "Please, pakalmahin ninyo ako! Lord, please po!" Marahas akong tumingala sa puting kisame ng pasilyo. "Bakit nagtagpo na naman ang landas namin ng lalaking ito? Sa sobrang guwapo niya e nanghina tuloy ako!"

Sinuntok ko ang pinto habang nagngangalit ang mata, napapagod ang baga kahihinga! Kasabay niyon ay ang pag-angat-baba ng nakaumbok kong bra sa damit kong pula.

Nanatili muna ako kina Amelia. Paraan na rin iyon para ang i-stress ay mawala! Gusto kong mailabas sa aking kasa-kasama ang mga hinanakit sa pamilya. Ang dapat na masaya kong araw ay napakamalas pala! Kung ganoon ang ibinunga ng tadhana, talagang mas masigla pa sa manok ang aking pagtilaok sa umaga!

Inawang ni Amelia ang pintuan ng CR. "Aba-aba, timang! Heto! Heto, tubig! Pakisabi sa pamilya mo, 'pakyu' sila, gano'n!" Tumabi siya sa akin at inilahad ang isang basong tubig. "Usong mag-move-on! Akala ko ba ay magmu-move-on ka na sa Jaxo'ng 'yan e 'yon pala ay apektado ka pa rin!" Hinigop niya ang tubig na dapat ay sa akin. "Akala ko ba ay tentative lang daw ang plano? Kung makaasta ka e, parang magpapakamatay ka na!" Hinampas niya ang puwetan ko kung kailang kukuhanin ko na ang baso.

Sinamaan ko siya ng tingin bago umangal, "Ano ba! Hindi ganoong kadali iyon! What if kung confirmed na? Paano ko siya tatratuhin lalo na at sinaktan niya ako noon?"

Sinimangutan niya ako at saka itinabingi ang sariling ulo. "May annulment naman, e. Puwede ka namang sumuway. Ampunin ka namin, ganoon. Dapat kasi hindi ka nagdadalawang-isip na magsakripisyo! Pero sabagay, hindi ka pa naman exposed kaya pati pag-move-on, pag-inom lang dati sa wine glass, pag-ayos ng kama, at sa pagtawid, hindi mo pa alam kung pa'no." Tumalikod siya para ipagbuksan ng pinto ang kaniyang kuyang abala sa pag-Wild Rift. "O, si Oppa! Nandito na pala! Tulungan mo nga itong maka-gain ng experience sa labas para mai-handle niya iyong pagwawala niya! Binato kasi iyong isang vase doon sa chimney, e!"

Inupuan ni Paolo ang pink na kobre-kama. "Stop! Didn't be noisy! I'm busy in killing enemy." Tila nakadikit ang nakayeyelo niyang tingin sa nakabubulag na i-screen ng cellphone.

Namayani ang mala-instrumentong tunog doon na parang may tubig na nagspa-splash. "Retreat!" alingawngaw niyon.

Isinara naman ni Amelia ang pintuan bago ako kausapin, "Pasensiya na, timang, para sa kuya ko. Na-miss niya lang kasing mag-tournament sa akademya kaya ayan . . . puro Wild Rift—'yang mga may pa-shield-shield, patayan, at saka mga magic na labanan?" Napabuntong-hininga siya. "Ay, na 'ko! Adik!" Bumaling siya sa kumaluskos na fireplace na nagdala ng makapal na usok. "Pero aba-aba! Kumusta na? Long time no see. Ikuwento mo naman sa akin 'yong mga nangyari sa 'yo." Siniko niya ako na aking ikinangiti.

Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon