●━━━━━━━━━━━━━━━━─╮
TITLE: Things Are Not What They Appear
╰─━━━━━━━━━━━━━━━━○
Naomi Evangelista | "Ayan, i-park mo sa tapat niyan," sabi ko sa tsuper kong freak na prineno ang van niyang Nissan. Katatapos lang ng mitsa ng kaguluhang umaliwaswas sa pulungan.
Ipinarada niya na ang kotse sa tapat ng mala-junkshop naming tambayan. Kaya ako pumaroon para mapawi ang stress na naramdaman.
Sa nangangalawang na tarangkahan, masisilip sina Rhea at Christel na nagkakantahan. Papiyok-piyok nilang kinanta ang 'Gusto ko nang Bumitaw' na may kataasan. Napasapo ako sa noo at umiling pagkadama ng litid nilang napuputulan. Nakipagsapalaran ang napapaos nilang birit sa kahel na kalangitan. Ang mga uwak ay nagsiliparan din para makauwi sa kanilang mga tirahan.
Ang katabi ko, muntikan ko nang makalimutan. Mukhang pinagtatawanan ang sintunado kong kaibigan.
"Huwag kang mayabang diyan." Agad ko siyang sinikuhan. "Salamat nga pala sa paghatid," turan ko kay J nang hindi siya kinakawayan.
Tumayo na ako at lumabas na sa sasakyan. Ginawa ko ang aking nakaugalian . . . at iyon ang mang-iwan.
Pero umawang muli ang sinara kong pintuan kahit sinabi ko na sa kaniyang huwag akong aligagain magpakailanman!
"Sandali, Naomi naman!" Pero since si freak ay may taglay na katigasan, nagawa niya pa rin akong sundan.
Bago ko buksan ang gate, pagalit ko siyang nilingunan. "Ano na naman? Hindi mo ito teritoryo kaya puwede ka nang bumalik sa iyong pinanggagalingan," aking turan sa freak na sinusuot ang gray jacket niyang kasingkapal ng kaniyang kapisngihan.
At saka niya ako nilapitan para maharangan ako ng kaniyang katangkaran. Kahit dambuhala ang anino niya, matapang ko pa rin siyang inabangan.
"Is this how you treat your guest, madman?" aniya matapos akong ngisihan.
Tila ako'y natamaan. "How dare you accuse me of being a madman—"
"Sino iyan at parang ang ingay-ingay diyan na parang naglalampungan? Hoy, kung naglalampungan kayo, e, huwag sa aming harapan! Akala ko mga tunog lang ng lato-lato lang ang aming makakalaban, mahaharot din palang kabataan!" Bumagal ang aming mundo noong kami'y nagkatinginan.
Sinuntok ko ang abs ni freak at doon kami nadatnan ni Amelia na pinagbuksan kami na 'naglalampungan'. Ay, ano ba iyan. Nakapapangilabot naman! Kaya napangiwi ako sa isipan.
"Diyos ko, kayo lang pala ang maingay—" Natigilan si Amelia nang makita niya si Jaxon na casually kong kasama. Tumaas agad ang kaniyang kilay. "S-Sandali lang. Lumapit ka, Ravi. May pag-uusapan tayo." Pumamaywang siya at hinigit ang green cocktail dress ako.
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
Teen FictionIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...