꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝐖𝐞𝐚𝐤
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑' |꧂Inilabas ni Madam High Blood ang laptop at isinaksak iyon sa VGA ng TV.
Pinanliitan ko ng tingin ang kableng nakalawit sa glass board. Pumokus ako sa baba niyon, parang predator na naghahanap ng kaniyang mabibiktima.
Luminya ang aking labi. Sana masira iyong VGA para hindi na mag-lesson. Ang sakit kasi sa ulo ng balancing chemical equations, lalo na at hindi ko katabi si Mathway! So that was why I loved inconveniences . . . since online class.
Nakaupo ako sa huling row sa kanan, center-aisle. Katabi ko si Wilson (the nerdy guy) na minamasdan ako.
Binalingan ko rin siya gamit ang nakaaakit at nakatataba ng pusong ekspresyon. Pinapungay ko ang papikit-pikit kong mga mata sabay ngiti na may kaunting tamis. Akala niya tulala ako, ngunit nilalait ko na pala siya.
Katamtaman ang pagiging mapanga niya dahil hinadlangan ng bahid na katabaan. Kung titingnan ko nang pa-side view, kung susuriin ang makapal na salamin at ang may pagkakubang postura, masasabi kong bullyable.
Masama nga siya sa mga katropa ko nang malibang naman. Ang boring niya kasing kausap! Nasa halagang singkuwenta ba ang kaniyang boses kaya tinitipid ang pagsasalita?
Humalukipkip ako. Pagkatapos ay pinasayaw ko ang aking ballpen kasabay ng pag-aligid ng mga ideya. Hindi naman ako masamang impluwensiya. Pagalitan pa ako ng mama niyang overprotective. Hindi kasi pinalalabas kaya shy type.
Nang muling makaharap sa teacher's table, nagtama ang paningin namin ni madam!
Masyado namang malayo ang tingin niya. Parang galing sa bundok ng Antipolo nang matanaw ang Metro Manila. Sa dami-dami ba naman ng estudyanteng nasa harapan, ako pa ang napagdiskitahan.
Bakit parang ako pa iyong may kasalanan? Umatras ang aking leeg at saka nangangasim na ngumiwi.
Weird! Parang first-time lang makakita ng anak ng may-ari ng school.
Inayos niya ang hinge ng salamin bago magsalita.
Nang makabalik ang lahat sa kani-kanilang puwesto, tumikhim si madam. "Good afternoon, class."
"Good afternoon po, ma'am," bati pabalik ng mga kaklase ko sa harap bago mag-bow.
But since my tardiness did not even dare to fetch a bow, I heaved a sigh. "Evening!" bati ko sa nahihikab na pamamaraan. Pabagsak at nanunubig na rin ang aking mga mata, nahawa sa nakalalamlam na vibe na dala ni Wilson.
Nag-unat ako pagkatapos ay inunahan sila sa pag-upo. Parang bigat na bigat ako sa sarili kong bayag. At saka, nakaaantok kasing magturo si madam kaya evening na lang. Para diretso talukbong goodnight sleep agad!
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
Teen FictionIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...