꧁𝟏𝟓.𝟔⢾░▒

57 3 20
                                    

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕱𝖆𝖎𝖙𝖍 𝕺𝖛𝖊𝖗 𝕱𝖊𝖆𝖗


𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Business Math bored me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Business Math bored me. Most eyelids were drooping, craving for good night's rest.

Professor's words boomed in the face of weariness. His red laser pointed on the new glass board, turning all heads towards the television.

"Juan Dela Cruz opened a bank account for his business," he said, reading the texts written on the bright white PowerPoint.

But I was not interested in his problems. Kaya naman ay ginala ko ang paningin sa kabuuan ng silid-aralan.

Nangibabaw ang katahimikan. Dalawang lalaki ang aking nakatabihan. Si Paolo ay nasa kaliwa samantalang si Wilson ay nakaupo sa kanan. Nang mapagtagumpayan ang kainipan, sarili nilang ballpen ay nagtunugan, pinaglaruan gamit ng mga daliring nagbaluktutan.

Bawat pulang upuang gawa sa fiber ay tinapalan ng mga pangalan, apelyido ng mga may-ari ng upuan, pinalalagay para sa kaayusan.

Since mayaman ang paaralan, solong lamesa sa tapat namin ay ginastusan. Tulad ng mga upuan, pula rin iyong pininturahan. Ayon sa sarili kong kaalaman, nagkakahalaga raw iyon ng six-thousand!

Ang mga hugis-triangulong lamesa ay nagdugtungan. Kapag nagdikitan, makalilikha ang mga iyon ng panibagong hugis sa anumang paraan.

Sa ibaba ng akin ay nagsiksikan ang mga aklat na magsisilbi kong sanggunian. Nakapatong din doon ang aking pencil case at whiteboard, dalawa sa mahahalaga kong kagamitan.

Sapagkat kami ay nasa likuran, ang aircon ay hininaan. Maraming balahibong nagsitayuan at kili-kiling nagsituyuan. Mas lalo rin akong pinahirapan ng kumulo kong tiyan. Kulang na lang ng pasta para naman ay mayroon iyong matunawan.

Tumingala ako sa mga LED light na nagsilawan. Ang kabagutang nanirahan sa aming katawan ay hindi matatanggal kailanman.

Dinig sa lakas ang buntong-hininga kong dumaan pa sa lalamunan. Mayroong sumaging reyalisasyon sa aking isipan. Kahit naka-e-entertain ang pagtuturo ni Sir Guzman, mayroon pa ring estudyanteng mababagot diyan. We could not please everyone.

My butt, sitting on my plastic chair, burned for one hour. When our lecturer lasered the number two, the bell rang for the third time, reverberating through the halls just to say . . . 'kainan-naAa'!

Sumabay sa alingawngaw na iyon ang maotoridad na boses ni Sir Math. "Classed dismissed. Ipagpatuloy na lang natin ito next meeting. Isasabay ko na lang sa next lesson natin na which is more about Principles pa rin," aniya bago dalhin ang tambak na papeles para makalabas.

Habang sinasalansan ko ang aklat na Math, tumalon-talon ang mga daliri ni Wilson sa aking balikat.

Nilingunan ko siya nang ang mga mata ay walang gana. "Ano ba kasi iyon? Magpapautos ka na naman ba na bilhan kita ng turon sa baba?" Humupa ang iritang iyon noong dumako ang aking tingin sa inilahad niyang flyer.

Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon