꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕾𝖎𝖇𝖑𝖎𝖓𝖌𝖘
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂Nakahinga siya nang maluwag nang makitang kagigising ko pa lamang. Humakbang siya papalapit sa akin para mayakap ako.
"Thank gidness, Ravi. Nabuhay ka! Aba-aba, ano ba kasi ang nangyari sa iyo kagabi? Akala ko namatay ka na, timang! Maiiyak si Kuya kung siya pa iyong gagastos sa lamay mo! Hula ko pinalayas ka ng magulang mo matapos mong magpakabakla, 'no! Pakyu sila nang sagad! Mga wala silang kuwenta! Mamatay na sila! Pera't reputasyon lang alam! Hinayaan ka lang nilang iwanan sa waiting shed malapit doon sa Shell gasoline! Sa sobrang pagpa-panic ni Kuya e hinarangan na ng drayber namin iyong isang mabagal na Mercedes-Benz! Parang may hinahanap din iyon kasi usad-pagong!"
Mercedes-Benz? Ganoon din kasi iyong kotse nina Tita Susan at Tito Ryan, e. Those two people were the only ones who gave me meaningful stares that night.
Inangat ko ang aking tingin sa kaniya. "I-Ikaw? P-Paano mo ako nahanap?" tanong ko sa kalagitnaan ng pag-init ng aking mata. Na-miss ko na kasi ang pamilya ko. Sana makabalik na kami sa dati!
Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako nang diretso sa mata.
"Nagtago kami sa lobby. Ayaw ko rin namang mapag-usapan ng mga timang doon kaya hinintay muna namin silang makauwi lahat. Buti nagpa-late ako ng uwi." Tumikhim siya. "Trapik na sa labas kasi maraming nakakotse. Pero noong nakita ka namin ni Hyung, nagulat ako!" Nanlaki ang mata niya at napaurong. "Aba-aba, nakahimlay ka sa waiting shed! Napaka-absurd naman ang pagpapalayas sa iyo ng mama mo lalo na at delikado sa labas! Gago sila! Pabaya." Umiling siya at tumingin sa gilid ng kama. "Aba-aba! Niregaluhan ka pala ni Kuya Gilbert ng mga chocolate at bulaklak! Nangangayayat ka na rin. Kagabi pa ang huli mong kain," turan niya pa.
May five-thousand palang binaon sa akin. Plano ko sanang mag-breakfast meal sa Mcdo, pero buti na lang at natagpuan niya ako.
"Uhm, thank you. P-Pero, kaya ko naman ang sarili ko, e. May pera naman akong pambili." Dumapo ang tingin ko sa Toblerone. "Nakakahiya naman kasi sa inyo ng kuya mo. At saka, aalis na rin ako mamaya. Maraming salamat ulit sa tulong mo, Rhea. Kung hindi kayo dumating, baka kung ano pa ang mangyari sa akin," tugon ko nang namamasa ang mata.
Tumayo na ako para makapag-impake pero hinawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko!
"Aba-aba may bobo, o!" Dinuro niya ako nang nanlalaki ang butas ng ilong. "Manatili ka rito! Kung ako pa sana gagawa niyon e mas puwede pa. E ikaw, lagi ka lang namang nasa loob ng mansiyon n'yo. Kapag ikaw lumabas, mamamatay ka! Takot ka pa namang tumawid. Sagot ni Kuya lamay mo, sige ka. Okay naman din sa mga magulang ko na tumira ka rito, e. You are welcome here with open arms!" Inunat niya ang kaniyang mga braso. "Magkaibigan tayo, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?" tanong niya at saka ngumiti.
Sana, may magulang din akong kayang suportahan ako sa anumang desisyong gagawin ko.
"Hoy! Magkaibigan tayo, 'di ba?" Pinalo niya ang aking hita.
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
Teen FictionIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...