꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍⢾░▒

42 4 13
                                    

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝐉𝐞𝐫𝐤

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑' |꧂Kahit tapos na ang maaksiyong eksena, dilim pa rin ang siyang kumulay sa atmospera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑' |꧂Kahit tapos na ang maaksiyong eksena, dilim pa rin ang siyang kumulay sa atmospera. Ang singaw ng giyera ay kasing-init ng sa simula.

Bulabog ang kumalembang sa aking diwa!

Pagkaalpas ng manghang idinikta, kumabog ang aking puso nang si Jaxon ay makita!

Nakasuot pa rin siya ng damit pang-eskuwela. Pero nang maaninag ang suot niyang denim jacket na ibinurda pa sa kompanyang Nondria, ako ay natulala. Paano niya nagawang dalhin iyong sarili niya?

Sa pambihira niyang karisma, hindi mahahalata ang pisikal na pagdurusa.

Ang makintab niyang buhok ay mistulang nasobrahan sa pamada. Kung tititigan ang basa niyong mga hibla, malayang dudulas doon ang mga pawis hanggang sa muling mantikain ang kaniyang mukha.

Parang nasa action movie kung makalitaw ang artistahin niyang pigura. Kumulo ang aking dugo pagbungad ng matikas niyang aura! Nakahahawa ang intensidad sa pag-igting pa lang ng kaniyang panga. Para akong tinamaan ng pana ni Kupido nang dumiretso sa akin ang sulyap niyang nagbabanta.

Pagbalandra ng tingin sa semento, isang nakaliliyong iskandalo ang nakaratay sa kanto!

Nanganganib ang puso. Tumutulo ang dugo! Si Evelina na dati ay ayos lang, hindi naglaon ay napeligrong naligo sa kulay pulang likido! Halos mayupi ang bungo . . . at nakahandusay na nabitiwan ang kutsilyo!

Nanlaki ang mga mata ko, pumamaywang, pagkatapos ay napatango-tango sa isipan.

Convincing! What a potential fighter! Kung wala siya roon, baka Saint Peter Life Plan na ang abot ko. No doubt, he would be a great fit in our group, but I would disapprove!

Nawala nang two percent ang galit ko sa kaniya. That was because he glided like an angel to save my life. But I could not help but let my bother ask how he set foot on the street of my destination?

Was he the one stalking me earlier? Masyado bang mabango ang footprints ko para masundan ako ng asong ulol na ito? Gosh!

I slapped my head mentally. Baka nagkataon lang, as always!

Napatingin muli ako sa kaniya. Pero that time, matutunog ang maiinit niyang buntong-hininga, napakaseksing kanta sa aking tainga.

Para mabura ang pagpapantasya, napasinghap ako at isiniksik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng dyaket. Nagpinta ako ng blangkong ekspresyon. Kinonsidera ko muna ang ex-crush ko mula sa reyalistikong perspektibo, na kung saan doon mapagtatantong kahit siya pa man ang pinakaguwapo, hindi siya perpekto. Ang kaniyang katangian ay hindi pasado sa standards ko.

Malalamig na pakikitungo ang inilahad ko sa kaniya. "Salamat at binugbog mo iyang mga traydor na iyan." Itinuro ko iyong tatlong natulog doon sa kalsada. "Mauuna na ako. Paalam." At saka ako lumayo-layo sa kalyeng ayaw pa akong pauwiin!

Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon