2.0

14 3 0
                                    

Napatakip ako sa aking bibig ng makita si Ms. Janine.

Nangingitim na ang leeg nya dahil sa pagkakasakal. Nag situluan ang aking luha. Kusa akong yumakap kay Quinn na nakatunganga lang na nakatingin sa guro.

"A-abby-patay na si ma'am" nanginginig na sambit ni Ady.

"Bakit ba nangyayari ito?" Humigpit ang yakap sa akin ni Quinn.

Ramdam ko ang pagkakanginig ng katawan nya.

Naibaba na nila si Ms. Janine. Kasalukuyan itong tinatakpan ng puting tela.

Punong-puno ng dugo ang sahig. Tinakpan ko ang mata ko. Pinigilan ko rin na masuka.

Kelan ba ito matatapos?

Nagising ako at isang madilim na lugar ang sumalubong sakin.

Nangapa ako ng ilaw at laking pasasalamat ko ng merong flashlight.

Binuksan ko ito. Nilibot ko ang mata ko ng makitang nasa bahay lang ako.

Nawalan ba ng ilaw? Black out?

"Kuya? Ate?" tawag ko.

Sobrang tahimik dito sa bahay. Nasaan sila?

Napalingon ako sa likod ng makarinig ng ingay.

"Liam?" Tinapat ko dito ang flashlight ng makita kong puro dugo ang sahig.

Bakas ito ng paa. Pero base sa haba at laki nito ay paa ito ng babae.

"Ate? Tita Yuri?"

Sinundan ko dito at nakarating ako sa hallway.

Bahagya akong lumapit ng may maaninag na tao.

"Papa?" Tinapat ko dito ang flashlight at sa sobrang malas ay namatay pa.

Pinaghahampas ko ito para muling sumindi.

Nang muli itong sumindi ay tinapat ko ulit sa harap. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng makitang nasa kisame ito. Ang paa nito ay nasa kisame at naka baligtad.

"F-Fionah?" sambit ko. Tila nawalan ako ng hininga ng patakbo itong lumapit sa akin.

Kasabay nito ang pagpatay ng ilaw. Hinampas ko ito ng paulit ulit. Nagpatay sindi ito at ng sandaling sumindi na ito ng tuluyan ay nakita ko si Fionah na malapit sa akin.

Naka baligtad parin ito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nanlaki ang mata ko ng bumaligtad ang ulo nya. Nanlilisik at namumuti ang mga mata nya.

May nakakatakot na ngisi. Ang labi nya ay nangingitim at agnas na.

Napasigaw ako ng maramdamang nakatusok sa braso ko ang matalim nyang kuko.

Napahawak ako sa labi ko ng makitang may dugo ito. Napaubo ako at nakitang itim na dugo ang sinuka ko.

Napasuka ako muli ng marahas nyang dukutin ang puso ko.

Lumapad ang pagkakangisi nya. Nandidilim ang paningin ko. Ramdam ko ang pagbigat at pangingitm ng mga mata ko.

Hinawakan nya ang mukha ko at pilit na ibinuka ang bibig ko. Ang itim na likidong mula sakanya ay nakikita kong lumilipat sa akin.

Napamulat ako ng may umuga sa akin.

"Miss, ito na po yung order nyo." aniya at inilapag ang isang kape at cake.

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon