0.4

24 3 0
                                    


Umaga ngayon at handa ng pumasok.

Pagbaba ko ay nakita ko silang lahat sa hapag.

kadalasan ay di nakakasabay samin si papa dahil mas maaga itong pumasok saamin.

Pero ngayon ay nakaupo sya kasama sila Kuya.

"Oh Abby nandyan kana pala" si papa.

Dahan-dahan akong umupo sa upan sa tabi ni ate Amara.

Naalala ko yung nangyari kagabi. I know something is wrong. Baliw na ba ako? Ano yung mga nakikita ko?

Hallucinations?

Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Pinasok ba tayo ng magnanakaw kagabi, papa?" Tanong ni ate.

"Bakit naman hija?" Si tita Yuri ang sumagot.

"May narinig po kasi akong kung ano kagabi" ani ate.

"Nanaginip ata ng masama si Abby." Tumingin sakin si tita. "Pero huwag kayong mag alala at mahimbing naman ang tulog niya pag katapos" ngumiti sya saakin.

"Ayos ka na?" Tanong ni ate. Tumango ako at sumubo ng kanin.

Napatingin ako sa pwesto ni Liam ng makita ang crayons nya.

Naalala ko ang kagabi. Tinignan ko ang crayons nya at wala itong bahid ng kung ano.

Part din ba ng hallucinations ko yun?

"Ikaw Abby, kumusta ang pagaaral?" tanong ni papa.

Napabugtong hininga nalamang ako. Siguro ay masamang panaginip lang yun oh hallucinations.

Tutal ay hindi pa ako masyadong magaling simula nung aksidente.

Tumingin ako kay papa at sumagot.

"Okay lang po papa"

May gusto pa sana siyang itanong nang may tumawag sa kanyang cellphone.

"I'll just answer this" paalam nya.

------------

Mag papaalam na sana ako na aalis na din ng may maalala.nakalimutan ko kasi yung libro ko sa kwarto kaya kukunin ko muna.

Malapit na sana ko sa kwarto ng nakita ko si dad na may kinakausap parin sa cellphone.

"Nilibing mo na ba?"sabi nya dito.nanumbalik ang mga alaala kagabi.

Hindi ako makapaniwalang nagawa nya yun.pero sa tuwing maalala ko ang nangyari kay mommy,hindi malabong magagawa nya rin yun sa iba.

Bago pako mahuli ni dad umalis na ako at pumasok.hindi naman siguro gagamitin yung libro.

_________

"What would you do if you saw someone being killed" tanong ni Ms.Janine.

"Isusumbong ko po sa pulis"

"Tatawag po ako ng pulis"

"Isasama ko po sya sa prisinto"

Sagot ng mga kaklase ko.

"Ikaw Ms. Martinez, anong gagawin mo?"

Di ako makasagot. Ano bang kailangan kong gawin?

Gaya ng sinabi ng kla-klase "I-isusumbong ko po sa pulis"

"Sigurado ka ba?" Aniya pa. Tumango ako.

"Itong si ano naman. Anong akala nya? Iatatago lang?" Bulong ni Ady.

"Yaan mo na teh, ganyan talaga pag walang ka good night " si Quinn.

Hindi na ako kumibo at nag patuloy lang sa pakikinig.

Lunch break na kaya pumunta kami sa canteen. Kumakain kami ng matiwasan ng may bigla kaming nakarining ng pag laglag ng tray.

"S-sorry" sabi ng babae. Dali-dali niyang inayos ang sarili.

"Si Fatima yun diba?" Si Ady.

"Classmate natin sa isang subject?" Si Quinn.

Morena ito at may salamin. Sa pagkakaalala ko hindi kami nagkakausap. Masyado kasi syang tahimik at siguro natatakot din lumapit dahil kay Quinn.

"Anong sorry? Bayaran mo yan lampa" sabi ng kaharap ni Fatima.

Tumango naman ng mabilis ang babae sabay sabing "s-sorry talaga, babayaran ko tong mga natapon ko"

Iniwas ko na ang tingin ko sakanila at nagtuloy sa kinakain.

"Abby, may party pala sa bahay nila Catty, sama ka?" Tanong ni Quinn.

"Si Ady ba?" Tumango si Ady.

"Edi sasama narin ako"

"Sa akin nalang kayo sumabay ah"

Tumango ako. Tumingin muli ako sa pwesto ni Fatima at nakita ko tong paalis na.

________

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon