Nasa opisina ako ni papa.
Nasa tapat ng cabinet.
Ang tanga ko. Dapat ay na realized ko na may mali. Hindi sya part ng hallucinations ko.
Papa is a murderer. Of all people.
Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang cabinet. Akala ko ay kung ano ang bubungad sa akin pero wala itong laman.
Nakarinig ako ng yapak kaya dali akong pumasok sa cabinet at nag tago.
Hindi nag tagal ay nakita kong pumasok si papa.
Nakasilip ako sa maliit na butas ng cabinet.
Sobrang bilis ng pag hinga ko. Takot, kaba, at galit.
"Nagawa mo na?" Aniya sa tawag. Ikinuyom ko ang kamao ko sa galit.
Anong ibig niyang sabihin?
Dalawang linggo ang lumipas.
8:38pm ng may nag text sa akin. Sabi dito ay pumunta raw ako sa school. Sa likod ng school.
Kahit na nag aalangan ay pumunta ako. May nag sasabi sa akin na kailangan kong pumunta.
Nagsuot ako ng jacket. Maingat akong bumaba sa hagdan.
Sumakay ako sa sasakyan at nagmaneho papuntang school.
Nang makarating dito ay kinailangan ko pang gumamit ng flashlight dahil madilim na.
Pagkarating ko sa likod ng school ay may nakita rin akong paparating.
"Abby, anong ginagawa mo rito?" nakita ko si kuya na may dala ring flashlight.
Kuya?
"May nagsabi sakin na pumunta ako dito."
Nanlaki ang mata nya. "S-sa akin din" Pinakita nya pa ang cellphone nya at totoo nga dahil katulad ito ng sa akin.
Maya maya ay sabay sabay na umilaw ang mga cellphone namin.
Tinignan ko ito at may mensahe nanaman akong natanggap.
Sabi rito ay pumunta raw kami sa pinakadulo nitong school.
"Wag nalang tayong pumunta. Masama ang pakiramdam ko rito" Si kuya.
"Ako rin pero nandito na tayo" nakita ko siyang huminga ng malalim.
Napagdesisyunan namin na pumunta sa pinakadulong nitong school. Sobrang dilim dito dahil hindi na nasasakupan ng ilaw galing sa labas.
May nakita kaming maliwanag sa bandang dulo kaya tumakbo kami patungo dito.
Natulala kami ng makita si papa na nakatali at nakaupo sa upuan.
"P-papa" Punong puno ito ng dugo at mga pasa.
Tatakbo na sana ai kuya patungo sakanya ng may lumabas galing sa dilim.
Nakita namin ang nakangising si Ryker.
Agad tumakbo si kuya patungo kay Ryker at pinagsusuntok ito.
"Anong ginawa mo kay papa!!" tumayo si Ryker at pinahid ang dugo mula sa kanyang labi.
Tumawa ito at nilabas ang baril galing sa kanyang likod. Tinutok nya ito kay kay kuya.
"Wag! Ryker, please put it down!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
Ngumisi ito at umiling. "Hindi pwede. Kailangan nya pang magkwento." May ginawa pa ito kay papa na siyang nakapagpagising dito.
"A-Abby" Si papa na nanghihina.
"Pa" Lalapit na sana ako ng tinutok ni Ryker sa akin ang baril.
"Oh-hanggang dyan kalang"
Bumaling ulit ito kay papa. "Ikaw tanda, simulan mo nang mag kwento." Aniya at tinutok kay papa ang baril.
Kumunot ang noo ko. Bakit nandito si papa? At anong kwento? Bakit hawak siya ni Ryker.
Litong-lito na ako sa nangyayari.
Hindi nagsalita si papa kaya kinasa ni Ryker ang baril at madiing itinutok sa ulo ni papa.
Napatalon ako sa ginawa nya at takot na humakbang paharap.
"Magsasalita ka o pasasabugin ko yang ulo mo?"
3rd person POV
Labis ang pagkatakot nila Abby. Wala silang magawa dahil alam nilang sa isang maling galaw lamang nila ay tapos na ang buhay nila.
Tumulo ang luha ng kaawa-awang matanda.
"A-Abby, I'm s-sorry-sorry." Umiiyak na sambit nito.
"Puro sorry nalang ba tanda?!" Ryker.
Sa galit nito ay idiniin niya ang baril sa ulo ng matanda.
"Huwag!" Sigaw ni Abby.
"Ako ang may gawa ng lahat. Nung nagsama na kami ng mommy mo, b-buntis nun si Yuri at n-nalaman ito ni Cora. Kaya sobrang nagalit sya-sinugod nya si Yuri dahilan kung bakit nalaglag ang bata. S-sorry....I killed your mom" pag amin ng matanda.
Hindi makapaniwala si Abby sa narining mula sa kanyang ama.
"Y-you killed mama?" Hindi nya mapigilang umiyak.
"Abby-"
"No! Who are you? You're not my papa! H-hindi nya magagawa yun!" Iyak ni Abby.
"Abby, please -" huminga ng malalim ang matanda bago magpatuloy. "I planed to kill you too. D-dahil tuwing nakikita kita ay nakikita ko sya. Si Cora. I killed Amara. She knows at natakot akong sabihin nya sayo ang mga nalaman nya kaya pinatay ko nalang sya.....I'm sorry." Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Sancho.
"Tang-ina!! Sana ikaw nalang!" nahinto lamang ito ng itutok naman ni Ryker ang baril sakanya.
"Kalma lang dude dadating din yan" tumawa pa ito.
"I'm sorry. Nagsisisi ako sa mga nagawa kong kasalanan. Patawarin mo ko."
"S-si Fionah" bulong ni Abby.
"I'm sorry"
"Y-you killed her. Dinamay mo sya" nanghihinang sambit ni Abby.
"A-and you-" tumingin si Abby kay Ryker. "You killed those students. Si Fatima"
Tumaas ang gilid ng labi ni Ryker. "Tsk, tama na yang drama" Nagulat ang lahat ng barilin ni Ryker ang matanda.
Sobrang lakas ng sigawan nila. Hindi makagalaw sila Abby at Sancho dahil sa pagkagulat.
Tumawa ng mala demonyo si Ryker bago nya itinutok ang baril sa kanyang ulo at pinaputok.
_________
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
KorkuIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...